Naikuwento ng reliable source na tinalakan ng isang pamosong direktor ang isang sikat na young actress dahil sa pagiging unpropesyonal nito.
Ang call time kasi ng syuting nila ng ginagawang indie film ay umaga pero dumating ito ng hapon. Ang hindi maganda ay pinaghintay nito ang mga kasamahang artista.
Hindi raw pinalampas ni Direk ang ganitong ugali ng young actress.
* * *
Laging take one sa kissing scenes sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana sa Rosalinda. Komportable na ang dalawa - hindi na sila naiilang sa mga kissing scenes.
Nang dumalaw kami sa set ng Rosalinda ay may ilang nagbibiro kay Geoff (bilang Fernando Jose) na mabagal sa panliligaw kay Carla kaya baka maunahan pa siya ng ibang kasamahang aktor kung saan may isa raw na type ang magandang aktres.
“Gusto ko, friends muna kami bago ko siya seryosohin. Para sa akin, perfect si Carla dahil lahat ng katangian ng isang babaeng mamahalin ay nasa kanya na,” sabi ni Geoff.
Noong nakaraang birthday ni Carla ay niregaluhan niya ito ng bulaklak at pabango.
Kasama sa Panday ang guwapong aktor - kagrupo siya ni Bong Revilla sa pelikula na ang layunin ay isalba si Iza Calzado.
Paganda nang paganda ang mga kabanata ng Rosalinda kung saan bukas, Lunes ay malalaman na nito na ang kanyang ina ay si Soledad Romero pero hindi niya ito matatanggap.
* * *
Handang-handa na si Eugene Domingo sa showing ng pelikula niyang Kimmy Dora (Ang Kambal sa Kyeme) mula sa Spring Films.
Inamin ni Eugene na mahirap ang maging bida dahil kailangan niyang mag-exert ng dobleng effort dahil siya ang magdadala ng pelikula.
Hindi naman siya nape-pressure dahil maraming tumutulong sa kanya mula sa direktor, producer na si Piolo Pascual, leading man na si Dingdong Dantes at sa lahat ng mga kasamahang artista.
Ang Kimmy Dora (Kambal sa Kyeme) ay released ng Star Cinema at palabas na sa September 2.