Kristine nag-inarte muntik idemanda ng ABS-CBN

Bagama’t anonymous ang kanyang tinanggap na text message, tukoy umano ng manager ng isang sikat na aktor kung kanino ‘yon nagmula.

Ayon sa texter, huwag daw ipagbunyi ng manager ang pelikula ng kanyang alaga dahil certified flop naman daw ito nu’ng magbukas sa mga sinehan. Li­him na nangiti lang ang manager, dahil bukod sa kilalang-kilala niya ang walang-dudang texter na ‘yon ay ito ang ibinuwelta niya rito sa text : Sori po, hindi pa naipapalabas ang movie niya.

Opo, sa September 2 pa ang showing ng Kimmydora starring Eugene Domingo. Sino kaya sa mga leading men nitong sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo ang puntirya ng crank message na ‘yon?

* * *

Kung ang masayahing disposisyon ni Kristine Hermosa sa first of three presscons ng Dahil May Isang Ikaw ang pagbabasehan, mukhang mahirap paniwalaang nagkaroon ito ng problema sa production staff, worse, with the ABS-CBN bosses.

Medyo ‘nahilot’ na yata ang tsikang nagluka-lukahan si Tin sa set who threatened to resign from DMII dahil hindi raw nito feel na dala-dalawa ang location kada taping day. Tin even resented having to work until 2:00 a.m., na maging ang taping hours ng kasama niyang si Lorna Tolentino na hanggang alas-diyes lang ng gabi ay sinilip din niya.

Naloka ang staff nang sabihin ni Tin na hindi na raw siya magre-report sa set only to regain her sanity nang sabihin daw ng management na idedemanda siya nito.

“Tin, ang sabi ng management, kung hindi mo raw sisiputin ang taping, ‘yung lawyer ang kakausap sa ‘yo,” pahatid-salita raw ng taga-produksiyon sabay nagtakda ng araw ng lawyer’s visit. Sagot ng aktres, bigyan daw siya ng palugit dahil maghahanap din daw siya ng sariling abogado.

Nawakasan lang daw ang “lunatic behavior” ni Tin when finally, her mother studio was seriously taking legal steps.

Ngayon, tila business as usual na. Hopefully, pumalo sa ratings ang screen reunion nila ni Jericho Rosales na ayon na rin mismo kay Tin, was sorely missed by their huge following.

* * *

Bilang pagdiriwang pa rin ng unang anibersaryo ng TV5, it was pay-back time for Lucy Torres na nag-guest kahapon sa Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo.

Last Sunday, si Ryan naman ang nagpaunlak sa imbitasyon ng Shall We Dance? Sey nga ni Lucy, “Mutual support lang naman ‘yan, eh. It’s always nice to support and be supported in return.”

* * *

Magsisilbing hired killer mamayang gabi sa All Star K! The One Million-Peso Videoke Challenge si Andrew E. Sino kaya kina Jay-R, Kris Lawrence, Princess Velasco, Edgar Allan, Eva Castillo, Sexbomb at Kadena (‘yung kumanta ng Bakla Na Lang Ang Iibigin) ang kakatayin at bubuhayin ng rapper na may career pa pala?

Watch na lang kayo tonight ng ASK hosted by Jaya at Allan K.

Show comments