Tumataas daw ang rating ng Wowowee kahit naka-leave si Willie Revillame.
Base raw sa national rating ng TNS, umabot sa almost 27 percent ang rating ng noontime show ng ABS-CBN.
Base kasi sa regular TNS rating na ipinadadala ng ABS-CBN, steady at hindi apektado ang rating ng programa sa pagkawala ng main host na balitang hinakot na lahat ng gamit niya – damit at kung anik-anik pa sa kanyang dressing room sa ABS-CBN kaya may effort daw sanang kausapin ang TV host ng ABS-CBN management pero ayaw daw nitong makipag-usap.
Ayon kasi sa isang source, natanggap na ng management ang formal complaint ng asawa (Arlene de Guzman-Ronquillo) ng nagngangalang Raymond Ronquillo na nagbebenta ng kotse at girlfriend ng isang dancer sa kanyang programa sa Wowowee na nagreklamo sa Movie and Television Review and Classification Board matapos umanong masira ang kanyang pamilya at maapektuhan ang kanyang mga anak na hindi na ngayon nakakapasok sa eskuwelahan dahil sa lantaran nitong (Revillame) pagsasalita ng personal sa harap ng camera laban sa kanyang asawa.
(Basahin n’yo ang bahagi ng reklamo ni Ms. Arlene de Guzman-Ronquillo sa MTRCB para mas maintindihan natin ang kuwento).
2. Defendant ABS-CBN is a corporation, organized under the laws of the Philippines; Defendant Willie Revillame is the Host, Production Manager of the noon-time show program Wowowee;
3. All the Defendants can be served with summons and other court processes of this Honorable Office at: Mother Ignacia Street, Quezon City;
4. Herein complaint is married to Raymond Ronquillo, and their union was blessed with three (3) minor beautiful children.
5. Complainant and her children, aged 3, 11 and 12, are constant viewers of the noon-time show Wowowee;
6. Sometime in October 2008, complainant and her children were watching the noon-time show and in the segment Search for Miss Fitrum, respondent host made a remark to one of the contestants to quote:
“May kaibigan ako gustong makipagkilala sa iyo. Mabait ito at binata daw siya. Siya si Raymond Ronquillo, may-ari ng R33 Car Exchange.”
7. Stunned, complainant quickly remedied the situation by telling her children that what they saw and heard were mere jokes;
8. Sometime in March 2009, friends of the complainant told her that respondent-host made the same remark in his noon-time show Wowowee. Concerned with the pernicious effect these hurtful remarks can cause to her children, complainant texted her husband requesting him to tell respondent-host to refrain from making such remakrs on air;
9. Thereafter, on March 25, 2009, respondent-hosted greeted complainant and her children on air during his show. Complainant thought that no similar incident will happen again;
10. However, and to complainant’s dismay, on July 18, 2009, respondent-host in the same program again made a remark by saying:
“Nandito yung mga kaibigan ko na iniwan ang kani-kanilang asawa dahil sa babae!” and the video intentionally focused on Mr. Raymond Ronquillo and two other male friends.
11. Just recently, on July 28, 2009, respondent-host in his program made a similar remark by saying:
“Yan si Raymond,” simultaneously focusing the camera on his face and “Yan si Aiko”, referring to one of the ASF dancers and simultaneously focusing the camera on her face, “Yan ang ex-girlfriend ni Raymond!” “Di bale, kumita ka naman”, referring to Aiko. After that statement, respondent-host made a pestering laugh.)
* * *
May mga nagpapayo na rin daw sa TV host na ‘wag nang ituloy ang concert tour nito sa Amerika dahil sa galit ng mga Pinoy sa ginawa niyang pambabastos sa libing ni dating president Cory Aquino.
“Once na ituloy niya ang concert, magra-rally ang mga Pinoy doon na dating iniidolo siya pero nababastusan na sa mga ginagawa niya sa kanyang programa,” sabi ng source na kadarating lang galing Amerika at Canada habang parami naman nang parami ang pumipirma ng Petition to Oust Willie Revillame. Umabot na sa 48118 as of yesterday afternoon ang lumagda.
* * *
Movie producer na si Richard Gutierrez sa ilalim ng kanyang sariling kumpanya, Iced Productions. Yup, you read it right. Partner niya sa unang movie project bilang produ ang GMA Films and Viva Films. Equal amount ang kanilang investment sa pelikulang Patient X na nagkaroon ng first shooting na kahapon sa isang hospital.
Si Richard din ang bida sa nasabing pelikula na isang horror film kasama si Heart Evangelista.
Bukod sa pangarap niyang maging producer, nag-produce siya bilang tulong sa movie industry na naniniwala ang iba na unti-unti nang maglalaho.
Si Direk Yam Laramas ang hahawak ng Patient X na nakapagdirek na sa Hollywood nang gawin nito ang foreign version ng Sigaw - horror film nila (Richard) ni Iza Calzado.
Fresh and new daw ang idea nila sa Patient X at ina-apply ni Direk Yam ang mga natutuhan niya sa Hollywood.
Naniniwala rin si Richard na perfect timing ito for him para mag-produce ng pelikula.
Halloween presentation ng GMA Films and Viva Films and Iced Productions (na inisip ni Richard na palitan ng pangalan) ang nasabing pelikula.
* * *
Walang planong sumuko si Ms. Annabelle Rama sa kanyang laban kay Ms. Wilma Galvante ng GMA 7.
Sa Lunes, nakatakda siyang mag-file ng motion for reconsideration para iapela ang pagkakabasura ng kanyang naunang demanda sa GMA exec.
Sa isang chance interview, sinabi ng nanay ni Richard na hindi siya susuko sa laban. Gagawin niya ang lahat para patunayan na nagkaroon ng bastusan sa pagitan nila ng opisyal ng GMA 7. “Enjoy ako sa demanda. Hindi ko siya titigilan,” sabi pa ni Ms. Annabelle.