Sandara binalikan ang 'Pinas

Bagaman at hindi inaamin ni Vic Sotto ang balitang lilipat siya ng channel, hindi rin naman niya itinatanggi na mayroong nagaganap na negosasyon sa kanyang pagitan at isang network para sa pagpapalabas ng kanyang bagong show. May mga balitang umuugong matapos mawala sa ere ang    Ful Haus sa GMA 7 na ang kapalit ay isang programa na ng Siete, station produced.

Bakit kaya nag-iisip pang lumipat si Bossing Vic eh puwede naman siyang kumuha ng oras sa GMA? Kung sabagay, nasa Singko ‘yung game show niyang Who Wants To Be A Millonaire.  

* * *

Hindi talaga makakalimutan ni Sandara Park ang Pilipinas. Bukod sa dito siya unang nagka-career, dito siya nagkaroon ng makulay na lovelife. Forget na kaya niya si Joseph Bitangcol?

Napanood ko ang pagdating niya mula Korea, masaya naman siya kahit nag-iisa’t hindi kasama ang mga ka-miyembro ng napakasikat nilang grupo sa Korea, ang 2NE1.Nagkanya-kanyang uwi ang mga kasamahan niya pero, siya nag-decide na rito gugulin ang tatlong araw niyang bakasyon.

Ang galing-galing pa rin niyang mag-Tagalog.

* * *

I’m sure appreciated ng four honor guards ‘yung pamamaraan ng pagpapasalamat ng magkakapatid na Aquino - Noynoy, Kris, Balsy, Pinky, at Viel sa ginawa nilang paghahatid sa dating pangulong Cory Aquino sa huling hantungan.

Bukod sa inanyayahan silang apat na makipag-dinner kasama ang mga magkakapatid, they were given gifts like a framed photo of the Aquino children and their families with the late lady president, cash (P25,000 each) at marami pang iba. Kris also promised to give them each a cellphone pero ang one year load ay kay Boy Abunda nito ipinakargo na pinayagan naman ng TV host.

Ako, touched sa mga ganyang gestures. Naiiyak ako dahil muli kong napatunayan na ang gawang mabuti ay ginagantimpalaan. I’m sure proud na proud ang pamilya ng honor guards sa karangalang tinanggap nila.

Mabuhay kayo at sana dumami pa ang lahi n’yo.

* * *

Aba at parang beauty contest lumabas ang pagpi-prisinta sa media ng 16 na napili para sa ikalawang season ng Survivor.

Parang mga beauty contestants sina Justine, Tara, Mika, Amanda, Jeff at Echo nang rumampa sa stage suot ang kanilang bikini. Hindi man naka-bikini ang babaeng piloto na si Maya, naka-swimsuit din naman ito ng one piece. Ganun din si teacher Carol, na naka-shorts naman.

Ang guguwapo rin naman ng mga boys, especially sina Marvin, Susuki at Louie. Titig na titig sa kanila ang maraming kabadingang dumalo sa launch dahil magaganda rin ang pangangatawan nila.

Hintayin na lang natin ang pagsisimula ng Survivor para mas makilala pa natin ang 16.

Show comments