Nagkita kami kahapon ni Senator Allan Peter Cayetano sa bahay ng mga Laurel sa Mandaluyong City.
Ang Laurel house ang dating ancestral home ng mga Laurel na nabili ni Senator Manny Villar at dito madalas idaos ang kanyang mga political meeting at presscon.
Maagang dumating sina Senator Allan, Gilbert Remulla at Atty. Adel Tamano kaya nakapagkuwentuhan kami nang matagal.
Hindi sinabi ni Papa Allan na off-the record ang kanyang mga kuwento kaya inisip ko na puwede kong i-share sa inyo ang mga rebelasyon niya.
Like, na-heartbroken ang kanyang ina nang maghiwalay sina Lino Cayetano at KC Concepcion.
Bunsong kapatid ni Lino si Papa Allan na nagkuwento na dinamdam ng kanilang ina ang break-up nina Lino at KC.
Nag-dialogue daw si Mrs. Cayetano na makikipagkilala na lamang ito sa mga girlfriend ni Lino kapag sure na pakakasalan nito ang girl.
Nakaka-anim na girlfriend na pala si Lino at sa mga naging karelasyon niya, giliw na giliw ang kanyang madir kay KC dahil napakabait nito. Masuwerte naman talaga ang magiging asawa ni KC dahil disente, edukada at mabait ito.
Parang nanalo sa Lotto ang future husband ni KC kapag ito ang naging asawa nila.
* * *
Hoping pa rin si Atty. Adel Tamano na makakasali siya sa Celebrity Duets dahil talagang hilig nito ang pagkanta.
Parang nabuhayan nga si Papa Adel nang mabalitaan nito na nag-back out ang isang male contestant ng Celebrity Duets.
Puwede pa yata na mag-join si Papa Adel dahil hindi pa siya nagdedeklara ng kanyang kandidatura para sa eleksyon sa susunod na taon.
* * *
May e-mail na natatanggap ang Kapuso network mula sa viewers na naloloka dahil nagkakaroon ng problema ang kanilang mga TV kapag oras na ng Darna.
Read ninyo ang reklamo ni Shiela Regasa tungkol sa kanyang nakakaduda na problema:
This is to express our disappointment to SkyCable and Meralco, respectively. For the past four (4) consecutive days since GMA’s newest primetime soap DARNA started airing on its timeslot, we had experienced cable disruptions, especially last Tuesday wherein Darna has just started on its first 5 minutes run.
Surprisingly, our cable signal went back to normal but only right after Darna. We had to painstakingly bear the entire long minutes of the show through a very bad TV monitor and audio, but refused to switch channels though..
Incidentally, a number of my friends and relatives, had also complained of sudden power interruptions/brownouts coinciding with the time slot of Darna, when they were just on their comfortable seats ready for it’s treat. Ironically, power was restored only after Darna had finished.
This came as a dejavu for us. It came back to me and to the rest of us, followers of Marian Rivera’s soap’s on GMA, when same incident happened during the pilot airing of Dyesebel last year. Reports of brownouts on many areas just as when it was about to air on TV.
Please look into the matter seriously, as we, supporters of Marian Rivera’s Darna, are in great disappointment especially if this becomes a trend. We do not look forward to going through the same scenario in the weeks to come as from Darna’s pilot episode alone, we already got hooked to the show.
* * *
At least, may mga tao na makapagpapatunay na nagkaroon ng mga kapalpakan sa TV noong Martes.
Walang inilabas na rating ng mga TV show noong Martes dahil nagkaproblema nga. Hindi ko pa naiimbestigahan ang mga dahilan kaya walang rating ang mga Tuesday show.