MANILA, Philippines - Muling babalikan ng ABS-CBN ang People Power, ang kuwento ng EDSA Revolution, ayon sa sariling pahayag ng tatlong bayani nito ngayong Linggo (Aug 16) sa ABS-CBN Sunday’s Best.
Ito ang kuwento ni Pangulong Corazon Aquino na kung saan ang desisyon niyang salungatin si Pangulong Ferdinand Marcos ang nag-udyok sa milyun-milyong katao para isulat sa balota ang kanyang pangalan. Ang kuwento ng Pilipinong mang-aawit na si Freddie Aguilar, na siyang nag-alay ng kantang Ang Bayan Ko, na naging kumpas ng pagmartsa para sa isang pag-aaklas.
Ang kuwento ni June Keithly, na siyang boses sa Radyo Bandido na nagbigay ng pag-asa sa milyun-milyong tagapakinig na nagtatago sa kadiliman noong tatlong araw ng People Power Revolution.
Ito ang kuwento ng bansang piniling manindigan at ang tatlong taong hindi lubos akalaing magiging bayani, na sa pamamagitan ng kanilang mga tinig ay nagdala ng lakas sa mga taong matagal nang nagdurusa para kamtin ang inaasam-asam na kalayaan.
Mula sa tambalan ng manunulat at direktor na sina Patricia Evangelista at Paolo Villaluna, ipapalabas ang Storyline Special sa Sunday’s Best ngayong Agosto 16, sa ganap na 10:45 ng gabi sa ABS-CBN.