Katorse naging 'love square'

Sa hindi malamang kadahilanan, nadagdag si Enchong Dee sa love triangle nina Erich Gon­za­les, EJ Falcon, at Xian Lim sa bagong teleserye na pinamagatang Katorse ng ABS-CBN na mag­sisimula sa August 24. Kaya ang dating love trian­gle ng serye ay “love square” na ngayon.

Napakasuwerte ni Erich dahil tatlong matitikas na lalaki ang mag-aagawan sa kanyang puso. Hin­di isang remake ng launching film ni Dina Bon­ne­vie sa Regal Films na may kapareho ring titulo ang bagong serye pero doon kumuha ng ins­piras­yon ang TV adaptation.

Ginagampanan niya ang role ng isang 14 na taong gulang na babae na hinarap ang kahirapan ng buhay sa murang gulang.

Dapat ay dalawang magkapatid lamang ang mag-aagawan sa atensiyon ng character na ga­gam­­panan ni Erich (Nene), pero nadagdag si Jojo (En­chong), ang kaibigan ni Gabby (EJ) na magi­ging tagapagtanggol ni Nene kapag nabuntis ito.

Ang pelikula ay naisipang isalin sa TV sa isang episode ng Your Song Presents pero lubhang na­gan­dahan ang management ng ABS-CBN kung kaya naging isang malaking pro­duksiyon sa TV ngayon.

***

Itinuturing ni Cherie Gil na isang misyon niya ang pagkakasali sa Katorse na mga bata ang bida.        

“Dinaanan ko rin noon na masigawan ng direk­tor at mabato ng script, pero sa halip na magalit sa mga kabataang artista na kasama ko ngayon, inu­unawa ko na lamang sila. Matututo rin sila at bukas ma­kalawa, magagaling na artista na rin sila. Sa nga­yon, ang kailangan nila ay suporta mula sa amin,” paliwanag ng magaling na aktres.

Maging ang nabalitang panliligaw ni Xian kay Erich ay isinaisantabi muna nito bilang pagbibigay sa kahilingan ng dalaga na mag-focus muna sila sa Katorse.

Dumaan sa napakatitinding workshop ang mga ka­bataang bida sa serye. Kaya naman may mala­king improvement sa kanilang pag-arte.

Si EJ na talaga namang banung-bano noong una ay nagagawa nang makipagsabayan sa kan­yang mga co-actors. Hindi na siya naiiwan ng mil­ya-milya ng katulad niyang baguhan din na si Xian. At si Erich, natulungan ng malaki ng workshop para maging credible bilang young mother and lover. Hin­di pa ito nakakaranas mag-boyfriend at unang halik niya ang ginawa niya sa serye.

Sa ilalim ng direksiyon ni Malu Sevilla, kapu­pulutan din ng aral ang serye.

***

Natutuwa si Luis Manzano sa ginawang TV spe­cial ng ABS-CBN, ang Vilma: A Woman For All Seasons para sa kanyang inang si Vilma San­tos. Lahat nang aspeto ng buhay ng kanyang ina ang ipinakita rito. Talaga raw sumasayaw araw-araw sa kanilang bahay ang ina kaya hindi na siya na­gulat nang mapanood niya ang episode last week.

Sa katunayan, niregaluhan niya ito ng isang iPod na naka-save ang mga paborito nitong ’80s dan­ce tunes para sa kanyang dancing sessions sa bahay.

“She’s an unbelievable mother. She’s the epi­tome of kulit. ’Pag tinanong niya ako if naka­kakain na ako and I say okay na ako, babalik siya after five minutes then sasabihin ko busog na ako. Tapos ba­lik na naman siya after 10 minutes. She just wants me to be okay. She’s very, very loving which I think nakuha ko sa kanya but she knows na makulit siya,” sabi ni Luis.

Ngayong Sabado, sa third episode ng kanyang TV special, bubuksan ni Vilma ang kanyang ba­hay sa Alabang upang makita ng mga mano­nood at fans kung sino ta­la­ga si Vilma Santos bi­lang isang family woman.

***

Nagpapatuloy ang pakikiisa ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa mga gawaing laan sa kawanggawa tulad ng katatapos na medical mission sa Payatas, Quezon City at ang iba pang naunang fund-raising projects para sa maraming beneficiaries.

Ngayong Agosto 14 at 15, 9 a.m.-10 p.m., ma­ki­kilahok naman ang PMPC sa malaking Celebrity Bazaar na isasagawa ng Pinoy Dream Academy (PDA) sa Lopez Drive, harapan ng ABS-CBN Foundation.

Kabilang ang PMPC booth sa mahigit 70 stalls na magbebenta ng mga magaganda at kapaki-pakinabang na bagay, tulad ng kagamitan ng inyong mga paboritong artista, pang ukay-ukay na mga damit at gamit, mga vintage movie posters, props, atbp.

Meron ding nata­tanging Only You collectors’ items cour­tesy of the soap’s lead cast Angel Loc­sin, Sam Milby, at Diether Ocampo na sadyang laan para sa publikong tumatangkilik sa top rating teleserye ng ABS-CBN.

Show comments