Hindi na maabot si Claire dela Fuente dahil si Michael Bolton lang naman ang ka-duet niya sa The Christmas Song.
Hindi pa nagkikita o magkakilala ng personal sina Claire at Michael pero bilib na bilib ang huli sa Pinay singer na sumikat noong Golden Era ng Philippine Music Industry.
Hindi nga makapaniwala si Claire na papayag si Michael na mag-duet sila. Naiiyak si Claire kapag pinakikinggan ang The Christmas Song duet nila ni Michael dahil isang pangarap ito na nagkatotoo.
Looking forward si Claire na ma-meet si Michael at malapit na itong mangyari dahil sinabi ng music producer na si Christian de Walden na type ni Michael na i-guest si Claire sa kanyang concert.
Hindi ko pa napapakinggan ang duet nina Michael at Claire pero ang sabi ng mga reporters, parang nabuhay si Karen Carpenter dahil kaboses na kaboses ni Claire.
Napakaganda raw ng duet ng dalawa sa The Christmas Song kaya siguradong papatugtugin ito sa mga FM stations sa darating na Pasko. Hindi natin masisisi si Claire kung napapaiyak ito sa tuwing pinakikinggan ang kanta nila ni Michael dahil talagang maganda ang resulta ng kanilang magkahiwalay na recording.
Nagbitaw na raw ng salita si Michael na gusto niyang i-release sa buong universe ang sariling version nila ni Claire ng napakaganda na Christmas song.
***
Wala pang reaksyon ang GMA Artist Center at si Aljur Abrenica tungkol sa kaso na Acts of Lasciviousness na inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) para isampa laban sa kanya.
Hindi pa natatanggap ni Aljur o ng Artist Center ang subpoena mula sa DOJ kaya hindi pa sila naglalabas ng official statement.
Sa totoo lang, walang bago sa kaso dahil ito pa rin ang isyu noon. Ilang beses nang nagpa-interbyu noon ang abogado ni Aljur para malaman ng madlang-bayan ang posisyon ng kanyang kliyente.
***
Mataas pa rin ang Darna dahil 44.7% ang rating nito noong Martes ng gabi. Ang ibig sabihin, talagang naengganyo ang mga manonood na subaybayan ang bagong primetime series ng GMA 7.
Hindi ko na nga napapanood ang May Bukas Pa dahil palagi akong nakatutok sa Darna. Aliw na aliw ako sa mga eksena ng mga bagets na gumaganap na mga batang Darna at Valentina.
Hindi pa lumalabas si Marian Rivera bilang Darna. Inaasahan na tataas pa ang rating ng popular na fantaserye kapag umapir na si Marian sa kanyang Darna costume.
***
Lalong ginanahan si Marian na mag-taping sa Darna dahil sa bonggang rating nito. Itsurang birthday niya noong Miyerkules, nag-report pa rin siya sa taping niya.
Masayang-masaya rin ang buong cast ng Darna. Sulit na sulit daw ang kanilang mga pagod at puyat, lalo na ang mga kontrabida ni Darna na nagdurusa sa prosthetics.
Inspired na inspired ang cast at ang production crew. Nag-promise sila na lalong pagbubutihin ang pag-arte para ma-entertain at huwag madismaya ang mga loyal viewers ng kanilang programa na humahataw ng husto sa ratings!
***
Rowena Joy ang pamagat ng bagong episode ng SRO Cinemaserye. Si Iza Calzado ang gaganap na Rowena Joy at ito ang papalit sa The Eva Castillo na malapit nang matapos.
Ang pagbibida sa SRO ang isa sa mga early birthday gifts na natanggap ni Iza na nag-celebrate ng birthday noong August 12.