Rufa Mae mag-aasawa na

Aba at napakataas namang lumipad ni Darna. Nagtala ito ng 44.1 % (AGB Nielsen) nang mag-premiere ito Lunes ng gabi sa GMA 7. Tuwang-tuwa lahat ng Kapuso na kasali sa proyekto, most especially Marian Rivera dahil napatunayan niyang muli na mayroon siyang mga loyal supporters.

Kinabukasan din, may ilang nagkuwento sa akin na Darna ang palabas sa aircon bus na sinakyan nila. Ang isa patungong Fairview at ang dalawa pa ay papunta naman ng Sta. Rosa, Laguna. Enjoy daw ng panonood ang mga nakasabay nila sa bus.

O, kuwento na ’yan ng iba at hindi galing sa akin.

* * *

Kung hindi pa sila nagkasamang muli sa isang bagong serye ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw, hindi pa magiging open sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa kanilang naging relasyon in the past.

Ngayong taken na ang magandang aktres at maganda ang relasyon niya kay Oyo Sotto at si Echo naman ay kasalukuyang naghahanap pa rin ng makakapalit ni Heart Evangelista sa kanyang puso kung hindi totoo ang balitang nagkabalikan sila, tsaka pa tuloy nila binabalikan ang nakaraan.

Siguro nga, mas masarap balikan ang nakaraan kung walang present, baka nga sakaling magkaroon pa ng future. Pero nun, panay pa ang tanggi nila kahit obvious nang sila na! Hay naku, ayan tuloy hindi natuloy!

Pero siguro naman, walang regrets ang dalawa sa mga naganap. At siguro naman may natutunan silang mahalagang leksiyon sa mga nangyari.

* * *

Magaling pala tala­gang stylist ang ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Liz Uy. Maganda na si Bea Alon­zo pero mas napaganda pa niya ito sa premiere night ng And I Love You So. Bea was glowing siguro dahil sa ayos niya at dahil nakita niya kung gaano karami ang dumating para mapa­nood ang kanyang pelikula na hindi kasama ang kanyang ka-loveteam for the first time. First mature role raw ito ni Bea. Aber mapanood nga rin.

* * *

Panay ang balita sa nalalapit daw na pagpapakasal ni Rufa Mae Quinto. Totoo ba ito
P-chie?
Kung sabagay, nasa edad na siya, puwede na siyang mag-asawa. Hindi naman naka-depende ang ca­reer niya sa katayuan niya sa buhay.

Show comments