Paborito ng teens

Masayang nag-perform ang Black Eyed Peas sa ginanap na Teen Choice Awards noong Linggo sa Universal City, California, USA.

Dumagsa ang mga paboritong Hollywood celebrities ng mga kabataan.

Tumanggap ng ‘hottie’ award si Robert Pattinson ng Twilight movie, ‘ultimate’ award naman ang kay Britney Spears, at TV actor and actress awardees sa drama naman sina Chase Crawford at Leighton Meester.

Ang tinanggap nilang tropeo na kakaiba ay kahalintulad sa isang surf board. — AP 

Show comments