Pag-ibig namuo sa Internet
MANILA, Philippines - Posible bang umibig sa isa’t isa ang isang lalaki at isang babae na magkaiba ang katayuan sa buhay at nagkakilala lang sa Internet?
Ito ang isang intrigang tatangkaing sagutin sa pelikulang Love On Line (LOL), isang makabagong comedy film na kinatatampukan nina Vic “Bossing” Sotto at ng Thai model at VJ na si Paula Taylor.
Produced ng M-Zet, OctoArts, at APT film outfits ang pelikula na ipapalabas sa mga sinehan sa Agosto 19.
Sa Love On Line (LOL), gagampanan ni Vic ang role ni Samson na ang isang litrato ay ginamit ng kanyang kaibigan (ginagampanan ni Jose Manalo) para makakilala sa chat room ng mga magagandang babae.
Papel naman ni Paula ang karakter na Lily na naging kaibigan ni Samson sa Internet hanggang sa ipasya nilang magkita (eyeball sa lengguwaheng cyberspace).
Ang mga sumusunod na eksena ay mga kaguluhang sinangkapan ng magic, adventure, pantasya, at siyempre pag-ibig, alinsunod sa tradisyon ng mga blockbuster na pelikula ni Bossing.
Kasama rin sa cast ng LOL sina Manilyn Reynes, Matt Evans, Melissa Ricks, Dominic Roco, Gina Pareño, Ricky Davao, at Leo Martinez.
- Latest