Walang nag-akala na magiging isang magandang tandem sina Lucy Torres-Gomez at Wilma Doesnt. Unang-una, isang komedyante si Wilma at seryosong host naman ang misis ni Richard Gomez. Ikalawa, bukod sa pagpapatawa na gamit ang kanyang imperfection, ramp modeling lamang ang alam ni Wilma. Kaya nang pagsamahin sila sa The Sweet Life ng QTV 11, akala ng lahat ay simula na ito ng kamatayan ng programa. Maling-mali pala sila.
Magkatulong na pinasikat ng dalawa ang The Sweet Life. Wilma proved na hindi lamang siya funny, malaking tulong din siya kay Lucy. Si Lucy naman nakakita ng isang sidekick kay Wilma, maaasahan din sa hosting at masayang kasama. Plus factor din ang willingness ni Wilma na matuto.
Kung si Dolphy ay merong Panchito, si Bossing Vic Sotto ay meron dating Richie d’Horsie at ngayon ay Jose Manalo o Wally Bayola, si Lucy Torres-Gomez ay may Wilma Doesnt.
* * *
Si Rhian Ramos na finally ang gaganap na leading lady ni Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven. Marami ang pinagpilian pero siya ang nawagi. Ibig sabihin lang malaki ang tiwala sa kanya ng network.
Ilang ulit nang ipinakita ni Rhian na dedicated siya sa trabaho. Hindi lamang siya mahusay na artista, professional pa rin siya.
* * *
Hindi pa rin nawawala ang galit ni Katrina Halili sa ginawa sa kanya ni Dr. Hayden Kho kaya patuloy ang pagnanais niya na mabawian ito ng lisensya. Maliit na parusa ito sa ginawa hindi lamang kay Katrina kundi sa marami pang babae na nasangkot sa sex scandal video.
Sa ngayon, naghihintay na lamang siya ng hatol ng korte sa kaso na isinampa niya laban sa sikat na doktor.
* * *
Pinatawad na finally ni Krissa Mae si Polo Ravales sa naging sigalot nila na humantong sa kanilang paghihiwalay. Ayon sa magandang baguhan, na-feel niya ang sincerity ng aktor nang humingi ito ng tawad sa kanya kaya nagbigay na siya.
Maganda ang takbo ng kanyang career ngayon at ayaw niyang ma-abort ito dahilan lamang sa hindi magandang vibes na ibibigay ng pakikipag-away o pakikipagsamaan ng loob sa isang co-actor niya sa Darna.
* * *
Balik-Walang Tulugan na naman ako. Highly rated ito sa US at hindi lamang miminsan kung mapanood. At nasa primetime ito dun, mind you.
Malaganap na ang GMA Pinoy TV sa abroad. Bago pa lamang ito na maituturing pero pumapalo na, marami nang subscribers.
Kaya dapat pagandahin ang lahat nating palabas sa GMA 7, dahil well received ang mga ito sa abroad. Balik-radyo rin ako. Ang dami-dami palang nagtatanong kay Shalala sa akin. Buti naman kahit wala ako, hindi sila bumibitaw.
Hay, ang sarap mabuhay dito sa ating sariling bansa. Mai-enjoy n’yo lang naman ang Amerika kapag nagbabakasyon lang kayo. Pero ang mabuhay dun ng pirmihan? Malaki nga ang kita, hindi naman mai-enjoy. Pwera na lang kung ipapadala rito at dito gagastusin, then it’s worth all the sacrifices, the loneliness, and the effort.
Kaya kayong mga naririto, ang suwerte-suwerte n’yo. Kasama n’yo kasi ang mga mahal ninyo sa buhay, anumang hirap ay makakaya n’yo, dahil sama-sama nga kayo.