Kapansin-pansin ang kahusayang ipinamamalas ng tatlong bida sa Your Song Presents Gaano Kita Kamahal na sina Sid Lucero, Jodi Sta. Maria at Maricar Reyes. Sadyang hindi matatawaran ang kanilang propesyonalismo at pagmamahal sa kanilang napiling karera.
Ayon sa direktor na si Erick Salud, “Masarap makatrabaho sina Sid, Jodi and Maricar. They pick-up instructions without difficulty kaya naman no wonder na hinahangaan silang tatlo in their respective characters. First time nila nagsama-sama sa isang project pero they seem to get along so well.”
Sa episode ngayong Linggo, isang nakakalungkot na katotohanan ang sasambulat sa dalawang babae sa buhay ni Obet (Sid). Isusugod ni Amy (Maricar) si Obet sa ospital at doon ay malalaman niya ang balitang may brain cancer si Obet. Dahil dito, maiisipan ni Obet na maglayas. Desperado nang makita si Obet, pupuntahan ni Amy si Carmela (Jodi). Ipagtatapat ni Amy ang tunay na kalagayan ni Obet kay Carmela. At dahil sa sobrang pag-aalala, makikipagtulungan si Carmela kay Amy sa paghahanap sa lalaking pareho nilang mahal.
Alamin ang kasagutan ngayong Linggo pagkatapos ng ASAP’09 sa ABS-CBN.
Great Hair Day kailangan ng Modelo
Lahat ng mga nakakakilala kay Regine Tolentino ay di agad naniniwalang Mrs. Lander Vera Perez na siya nang mahigit isang dekada at may dalawang anak na malapit nang maging tinedyer.
Sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas onse ng umaga sa QTV-11 ay mapapanood ang isang natatanging interbyu sa Dance Goddess, ang host-producer na si Mader Ricky kung ano si Regine bilang businesswoman, asawa at ina.
Abangan din ang pagsasadula ng tunay na kasaysayan ng apat na kalahok sa reality contest na TESDA IDOLS hosted ni Tito Buboy Syjuco. Apat na magkakaibang istorya ng pagsisikap, pangangarap at pagtatagumpay ang mga ito nina Emmanuel lemente, Bernardo Bacani, Nelson Guzman at Gary Buena.
Advocate ng karapatan ng mga kababaihan at kabataan si Atty. Chin Talaver ng Davao City. Siya ang itatampok sa WE (Women Empowerment) ni Mayor Marides Fernando.
Maraming manonood na babae ang nakatutok sa Great Hair Day na may demo sa ere kung paano maaaring mabago ang kaanyuan sa pamamagitan ng makabagong make-up at estilo ng buhok. Kung nais ninyong kayo ang maging modelo sa segment na ito’y mangyari lamang na tumawag kay Lhito Pantig ng ScriptoVision sa numerong 0917-8995727. Pag kayo ang napili’y matitikman ninyo ang pagkakataong magkaroon ng gandang RR madyik.
Power of 10 Second Season na
Abangan ngayong Linggo sa simula ng 2nd season ng Power of 10…. Mas nakakatense at nakakawindang ang mga tanong na tiyak na ika-tatambling ninyo! Sa unang set, maghaharap sina Biki Bola (Ryan Yllana) ng Joey’s Quirky World at ang Pinay Supermodel na si Wilma Doesn’t.
Saksihan kung paano lumapasay si Wilma sa Money round… siya na kaya ang tanghaling unang milyonaryo ng Power of 10?
Sa second set, abangan ang paghaharap sa elimination round ng dalawang kontrabida ni Darna… Ang Braguda at ang original Valentina noong dekada ’70 na si Ms. Celia Rodriguez at ang bagong Valentina na si Iwa Moto. Sino ang mas makamandag sa kanila na mag-uwi ng sampung milyong piso?
Magkakaalaman na ngayong Linggo sa game show kung saan puwede kang maging isang multi millionaire… Power of 10! After Kap’s Amazing Stories.