Sa presscon ng May Bukas Pa ay na-late si Dina Bonnevie. “Sisitahin na naman ako ni Albert (Martinez) dahil late na naman ako ngayon. Siya ang tatay ko, lolo at pulis at tagasita kapag nale-late ako sa taping,” sabi ni Dina.
Sinabi rin ng aktres na nagkakaroon siya ng palpitation kapag napapagod sa tagal ng taping mula alas-singko ng umaga at matatapos ng alas-syete ng gabi the next day. Pero inamin nitong talagang close ang buong cast ng nasabing teleserye.
Samantala, tinanong namin si Dina kung ano pang role ang gusto niyang gawin.
“Gusto kong gampanan ang papel ng isang mentally-derraged o kaya’y bulag. Type ko rin ang mga karakter na ginagampanan ni J.Lo o yung kay Hilary Swank. Lagi na lang strong woman ang role ko – ‘yung mataray din at palaging kontrabida,” sey pa nito.
Type naman nitong maging Wonder Woman kesa mag-Darna.
Ayon pa rin kay Dina, may eksena sa May Bukas Pa na nabangga ang kanyang kotse gaya nang nangyari sa tunay na buhay.
“But because of my faith na 100% He catches me before I fall,” dagdag pa nito.
* * *
Nakausap din namin si Mark Anthony Fernandez na kapareha ni Marian Rivera sa Darna.
How does it feel working with Marian? “Hinangaan ko siya dahil napakatalino niya kaysa sa kanyang kagandahan,” sey nito.
Inamin nito na mas type niyang gampanan ang role ni Cholo sa Stairway to Heaven kaysa sana sa Darna dahil type niyang lumabas sa drama.
* * *
Ipinaliwanag ni Jinkee Pacquiao na wala siyang say sa pagpili ng magiging leading lady sa Wapacman.
“Si Manny ang namimili ng kanyang leading lady at dapat komportable siya, yung magiging maganda ang working relationship nila sa napili niya,” sabi ni Jinkee.
Puring-puri ng mga taga-Solar Films si Manny dahil napaka-professional nito at enjoy na enjoy sa paggawa ng pelikula na entry ng kompanya sa darating na Metro Manila Film Festival.