Joey at Vic lantaran ang pagbatikos; Tita Cory naalala ng apo sa The Proposal
Seen : Ang lantaran na pagbatikos nina Joey de Leon at Vic Sotto kay Willie Revillame dahil sa kawalan ng respeto sa labi ni dating Pangulong Cory Aquino.
Scene : Ang mga dahilan kung bakit malakas ang kapit ni Willie Revillame sa ABS-CBN.
A. Manager niya si Arlene de Castro, ang kabiyak ni Vice President Noli de Castro.
B. Best friend ni Willie si Edgar Mortiz na asawa ng kapatid ni Charo Santos-Concio, ang presidente ng ABS-CBN.
Seen : Ang talakan ni National Artist Bien Lumbera at ng character actress-PETA supporter na si Angie Ferro sa protest rally ng mga National Artists sa harap ng NCCA building noong Biyernes. Supporter si Angie ni Cecille Guidote-Alvarez, ang National Artist for Theater awardee at NCCA executive director na pinararatangan na walang delicadeza.
SCENE : Araw-araw ang TV exposure ni Kris Aquino mula nang mamatay ang kanyang ina kaya hindi masyadong na-miss ang sandali na pagkawala niya sa SNN.
SEEN: Si Julius Babao sa presscon nina Carlo Caparas at Donna Villa sa NCCA. Dumalo rin si Julius sa indignation rally ng mga National Artists sa CCP noong Biyernes.
SCENE : Ang kuwento ni Jiggy Cruz na napaiyak siya nang mapanood niya ang The Proposal. Naalaala ng apo ni President Cory ang kanyang lola dahil sa karakter ng gumanap na lola ni Ryan Reynolds sa pelikula.
- Latest