Aktres marumi pa sa burak ang pamumuhay wala na ring pambayad sa mga katulong

Kasusulat ko pa lang kahapon tungkol sa mga nakakabilib na honor guards sa funeral convoy ni former President Cory Aquino pero everywhere na sila mula pa noong Huwebes.

Nag-guest na sila sa mga TV show at may fans na sila. Nasagot na rin ang mga katanungan ko at ng taumbayan sa mga unang ginawa nila nang bumaba sila mula sa 10-wheeler truck.

Nagpunta ang apat sa banyo para umihi at kumain agad sila dahil sa gutom na inabot pagkatapos ng walong oras na biyahe mula sa Manila Cathedral hang­gang Manila Memorial Park.

Naawa ako sa kanila nang sabihin nila na tina­maan sila sa mukha ng mga barya na inihagis ng mga nag-abang sa pagdaan ng funeral cortege ni Mama Cory. Lumang tradisyon ng mga Pilipino na mag­hagis ng barya kapag may dumadaan na funeral procession.

Nagduda ako na sinadya ng mga sutil na kababayan natin na hagisan sa mukha ang mga honor guard para ma-test nila kung magre-react o kikilos ang mga kawawang guwardiya. Nabigo ang mga sutil dahil dedma as in no reaction ang mga honor guard na hindi nagpaapekto sa mga panunutil sa kanila.

Bakit hindi ako magdududa na sinadya ang paghahagis ng barya sa mga mukha ng honor guards? Ang taas-taas ng kinalalagyan ng mga honor guard pero nasapol pa rin sila sa mukha ng mga inihahagis na barya!

* * *

Natuloy kahapon ang kilos-protesta ng mga National Artist na hindi happy sa mga bagong National Artists na pararangalan ng President Gloria-Macapagal Arroyo.

Naglamay at nagprusisyon sila sa mismong harap ng Cultural Center at ang sey ng mga eyewitness, parang tunay na paglalamay ang nangyari dahil kulay itim ang outfit ng mga nag-join sa protest rally.

Eh bago pa sila nagkaroon ng lamay at prusisyon, nagkaroon ng presscon sa NCCA Auditorium ang mga bagong National Artists, sina Cecile Guidote-Alvarez at Carlo J. Caparas.

Ang sey ni Papa Carlo, mga elitista ang mga nagrereklamo sa pagkakahirang sa kanya bilang National Artist para sa Visual Arts at Film. Sila raw ‘yung mga tao na hindi nakapanood sa kanyang mga pelikula na totoong mga massacre film pero mga justice story.

Ipinaalaala pa ni Papa Carlo na nakatanggap siya ng award mula sa Philippine National Police dahil sa mga massacre movie na ipinrodyus nila ni Mama Donna Villa.

Kung nagkaroon ng kilos-protesta sa CCP, may instant rally din sa harap ng NCCA building. Nag-rally ang mga supporter ni Papa Carlo. Ipinakita nila ang kanilang suporta sa sikat na komiks novelist.

Inggit lamang daw kay Papa Carlo ang mga tao na hindi matanggap na pagkakalooban siya ng mataas na karangalan.

Hindi umalis sa harap ng NCCA building ang mga supporter ni Papa Carlo kesehodang nabasa sila dahil sa malakas na buhos ng ulan.

* * *

Dinamdam daw ng isang young actress ang panglalait sa kanya ng isang nalaos na aktres.

Na-hurt ang young actress dahil tinawag siya na mukhang atsay at pokpok ng has been na aktres.

Kung ako ang manager ng young actress, baka tampalin ko pa siya dahil pinabayaan niya na laitin ng masyondang aktres na nilayasan na ng mga kasambahay dahil hindi na siya makabayad ng suweldo.

Pokpok? May mas pokpok pa ba sa has- been actress na napakalinis kung umasta pero marumi pa sa burak ang pamumuhay? Kadiri ‘ha?

Show comments