Fans ni SAM MAY sariling grupo

MANILA, Philippines - Sa industriya na bawat minuto ay may sumisibol na star, nagpapasalamat ang singer-actor na si Sam Concepcion sa mga walang sawang sumusuporta sa kanyang matatapat na kaibigan at tagahanga.

Kaya naman ang mga fans niya ay nagbuo ng grupo na tinawag nilang SAMsters. Dito nila ipinakita ang pagsubaybay sa career ng idolo nila.

Dahil sa kanilang presence sa lahat ng mga activities ni Sam, blessed ang pakiramdam ng talented na bata na nagsimula sa Little Big Star ng ABS-CBN. “I am very, very grateful,” sabi ni Sam. “Ilang taon na rin silang nandiyan para sa akin at ang suporta nila ay hindi humihina.”

Marami nang napatunayan si Sam kahit sa murang edad niya: Napasama sa production ng STAGES sa High School Musical bilang si Troy Boltron, pinili ni Gary Valenciano bilang potential niyang kapalit nang mapanood sa I’ll Find Your Heart concert, naging Boy Bawang sa Super Inggo, batang Piolo Pascual sa Walang Kapalit, kapatid ni Bea Alonzo sa I Love Betty La Fea, gumaganap na Bobet sa Your Song Presents Boystown, at parte ng Gigger Boys ng ASAP ’09.

Sa ngayon ay busy din si Sam sa mga endorsements at advocacies tulad ng pagiging ambassador ng Department of Education at World Vision.

“Hindi ko siguro maa-achieve ang lahat ng ito kundi dahil sa SAMsters,” sabi ni Sam. “Sila ang source of inspiration ko. Marami pa kaming pagsasamahan.”

Show comments