MANILA, Philippines - Excited si Sarah Geronimo sa iniendorsong RTW brand na Unica Hija dahil binigyan siya ng pagkakataon ng may-aring LC Star Power Ventures, Inc. na magkaroon ng exclusive line na may tatak mismo ng pangalan ng Pop Princess. Ilalabas ni Sarah ang mga latest collections na puro sosyal ang design pero hindi kamahalan. Dito rin lumabas ang ibang aura ni Sarah na hindi na teener kundi isang young woman ang dating. Kamakailan ay nag-meet-and-greet sa mga fans at customers ang hot singer-actress sa pinakabagong branch ng Unica Hija sa SM Fairview.