^

PSN Showbiz

Apat na honor guards ni Tita Cory nakakabilib!; Coverage ng funeral ni Tita Cory hataw sa rating

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Army Pfc. Antonio Cadiente, Airman Second Class Gener Laguindan, Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez at Police Officer 1 Danilo Maalab ang name ng mga honor guards na nakapalibot sa mga labi ni former President Cory Aquino nang dalhin ito sa Manila Memorial Park.

Gusto kong papurihan ang apat dahil hindi biro ang kanilang ginawa. Sa loob ng walong oras, nakatayo lamang sila sa 10-wheeler truck na nagdala sa bangkay ni Mama Cory sa lugar na paglilibingan.

Masahol pa sa penitensya ang dinanas nila. Hindi sila gumalaw, kumain o umihi man lang. Itsurang malikot ang truck, diretsung-diretso pa rin ang pagkakatayo nila.

Nagduda na nga ang mga vaklush na baka may suot na adult diaper ang mga honor guard dahil natiis nila na huwag maihi.

Ang apat na honor guards ang type ko na mainterbyu. Gusto kong malaman ang mga preparation nila sa mga ganoong pagkakataon. Ano ang iniisip nila habang nababasa sila ng ulan, nagkakagulo ang mga tao sa kanilang paligid at sinusumpong sila ng gutom?

Imposibleng hindi sila nagutom sa mahaba at mabagal na funeral procession. Type ko ring malaman ang una nilang ginawa pagkatapos mailibing si Mama Cory. Ano ang kinain nila, saan sila nagpunta at kung anu-ano pa! Nakakabilib talaga ang mga honor guards ni Mama Cory.

* * *

May nagkuwento sa akin na patuloy ang pagpunta ng mga tao sa bahay ni Mama Cory sa Times St. para magdala ng mga bulaklak bilang pakikiramay sa kanyang pamilya.

Masyado nang marami ang bulaklak sa tapat ng bahay ng mga Aquino. Hindi puwedeng forever ang mga bulaklak sa tapat ng bahay ng mga Aquino dahil mabubulok ‘yon.

Napakadali kasing puntahan ng bahay ni Mama Cory. Kahit sino, puwedeng pumunta sa kanyang simpleng bahay sa Quezon City.

Naabutan pa nga ni Senator Noynoy Aquino ang mga tao sa harap ng bahay nila, pagkagaling niya mula sa libing ni Mama Cory sa Manila Memorial Park. Gabing-gabi na noon at umuulan pa pero dedma ang mga tao na nagtipun-tipon sa harap ng bahay ng mga Aquino sa Times St.

* * *

Normal na uli ang takbo ng mga programa sa TV dahil nailibing na si Mama Cory. Ilang araw din na puro tungkol kay Mama Cory ang palabas sa TV mula nang mamatay siya noong August 1.

Hindi nasawa ang mga kababayan natin sa paulit-ulit na panonood tungkol sa buhay ni Mama Cory.

Sa totoo lang, mataas ang rating ng mga shows na iniukol kay Mama Cory, lalo na ang necrological services at ang misa sa araw ng kanyang libing.

* * *

Dalawa na ang primetime show ni Iwa Moto, ang Adik sa ‘Yo at ang Darna. Iniyakan ni Iwa ang balita na siya ang gaganap na Valentina sa Darna dahil importante ang kanyang role.

Siya ang magiging mahigpit na kalaban ni Darna kaya mapapanood siya mula umpisa hanggang katapusan ng show.

Hindi takot sa ahas si Iwa kaya totoong ahas ang props niya sa mga eksena ng Darna. Naloka nga ang mga reporters na dumalo sa presscon ng Darna dahil buhay na ahas ang bitbit ni Iwa.

* * *

Nagustuhan ng mga reporters ang karakter na gagampanan ni Nadine Samonte, ang babaeng impakta.

Naka-feel daw sila ng takot nang makita nila ang impakto na nakalagay sa likod ni Nadine.

Perfect kasi ang pagkakagawa sa impakto na siguradong katatakutan din ng mga bagets. Hindi ako sure kung si Mura ang impakto dahil natakpan ng makapal at nakakatakot na makeup ang kanyang face nang umapir siya sa presscon ng Darna.

AQUINO

CORY

DARNA

MAMA

MAMA CORY

MANILA MEMORIAL PARK

NILA

TIMES ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with