MANILA, Philippines - Malaki na ang naging popularidad ng belly dancing mula sa pinagsimulan nito sa bansang Arabia. Isa na ito ngayong masaya at seksing paraan para maging malusog ang pangangatawan. Idagdag pa riyan na maganda ang tugtog at costume ng isang mananayaw.
“Magandang work out talaga ang belly dancing dahil marami itong favorable side effects sa ating katawan,” sabi ni Jill Ngo-Crisologo, may-ari ng Peak Performance and Dance and Fitness Center.
Kailan lang ay nakipag-tie up ang center niya sa Nesvita Pro-Digestion para sa BellyFest 2009: The 3rd Philippine Belly Dance Festival na ginanap sa Glorietta, Makati City at dinaluhan ng maraming kababaihan na health-conscious at passionate sa sayaw.
“BellyFest is also a celebration of femininity. We gather yearly to share our love for belly dance and to help other women get fit and appreciate their bodies,” dagdag ni Jill.
Ang pagdagdag ng Nesvita Pro-Digestion sa daily diet at belly dancing activity ay magandang kombinasyon para malubos ang magandang hubog ng katawan at pagiging malusog ng tiyan. Non-fat milk kasi na may Actifibras na tinatawag ang Nesvita, kaya nakatutulong sa panunaw at nakakaalis ng pakiramdam na lumolobo ang tiyan o iba pang discomfort.