Phillip Salvador nagpasalamat sa sobrang pagmamahal kay Joshua

Pinaiyak na naman ako ni Kris Aquino sa kan­yang speech kahapon sa huling misa para kay Pre­sident Cory Aquino

Ang ganda-ganda ng speech ni Tetay, lalo na nang isa-isa niyang pasalamatan ang kanyang mga ka­patid.  

Nakakaiyak din ang mga pagkanta nina Zsa Zsa Padilla at Lea Salonga. Si Zsa Zsa ang kumanta ng Hindi Kita Malilimutan at Bayan Ko naman ang kinanta ni Lea. 

Nakakaantig din ng puso ang homily ni Fr. Arevalo na matagal ng kaibigan ng Aquino family. 

* * *

Hinangaan ko rin si Phillip Salvador sa pakikira­may nito sa Aquino Family noong Linggo. 

Alam nating lahat ang naging papel ni Ipe sa buhay ni Kris at nakiramay siya sa Aquino Family dahil malaki ang pasasalamat niya kay Mama Cory sa sobrang pagmamahal nito kay Joshua.  

Ikinuwento ni Kris na si Josh ang isang dahilan kaya ayaw lumisan ni Mama Cory. Inaalala ni Mama Cory ang mangyayari kay Josh kapag nawala siya. 

Walang dapat ipag-alala si Mama Cory dahil nakikita nating lahat ang sobrang pagmamahal ni Kris sa anak nila ni Ipe. 

Si Mama Cory pala ang nagtuturo at tumutulong kay Josh sa mga school assignments nito. 

* * *

May mga kababayan tayo na mga nakatira sa ibang bansa pero umuwi ng Pilipinas para makipagli­bing kay Mama Cory. 

Hindi sila kilala ng personal ni Mama Cory. Umuwi raw sila sa ating bayan dahil ayaw nilang ma-miss ang isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan. Ang iba sa kanila eh nakipaglibing noon kay Senator Ninoy Aquino, sumali sa protest rally at naki-join sa unang rebolusyon sa EDSA. 

Ramdam na ramdam nila ang pagiging makabayan.

Hindi raw nila mapapalampas ang paghahatid kay Mama Cory sa huling hantungan. 

* * *

Alam n’yo ba na napanood ng mga kababayan natin sa Canada at Amerika ang live coverage ng misa at paglilibing kay Mama Cory? 

Napanood nila sa TFC at Pinoy TV ng GMA ang buong pangyayari kaya nagpapasalamat sila dahil nag­karoon ng international TV ang ABS-CBN at GMA. Parang hindi raw sila umalis sa Pilipinas.

Hindi nila kailangan na maghintay ng mga delayed telecast dahil live na live ang coverage ng TFC at GMA Pinoy TV.                                 

* * *

Tumagal ng maraming oras ang pagdadala sa bangkay ni Mama Cory sa Manila Memorial Park. Natulog muna ako pagkatapos panoorin sa TV ang misa sa Manila Cathedral at nang gumising ako, nasa Buendia pa ang funeral convoy eh halos alas-tres na nang hapon na ‘yon. 

Ganoon karami ang tao as in nahirapan ang truck na baybayin ang kalsada dahil sa dami ng tao. 

Bilib ako sa apat na security na nakabantay sa ataol ni Mama Cory habang umaandar ang truck. Hindi sila natitinag o nasusubsob kahit malakas ang galaw ng sasakyan.

I’m sure, gutom at pagod sila dahil sa haba ng biyahe with matching ulan na bumasa sa kanilang mga katawan. 

Wish ko lang na huwag silang magkasakit!      

Show comments