^

PSN Showbiz

Martin at Gary: Marami pang kakaibang gagawin

- Veronica R. Samio -

Ang pagsasama nina Martin Nievera at Gary Valenciano ang dapat pakaabangan ng mga mahilig sa concert. Kahit nakikita na sila sa TV, sa programang ASAP ’09, iba pa rin yung mapanood sila ng live sa isang pinagha­handaang concert na magaganap sa Septem­ber 18, sa open grounds ng Mall of Asia.

Pinamagatang As One, apat na kanta ni Martin ang aawitin ni Gary V., at apat din ang kanta niya na kakantahin naman ni Martin. Pagkatapos ay magkakaroon din sila ng duet numbers.

Marami pa ring ibang surprises and plans for the concert. Kasama na rito ang paggawa ng isang album na pagsasamahan din nila. Tala­gang gagawin nilang kakaiba yung pagsasama nila sa isang concert stage na, anila, is a nice way to start their next 25 years.

* * *

Wagi na naman ang tinaguriang Jukebox Queen ng Pilipinas na si Imelda Papin sa ginawa niyang tatlong gabing konsyerto sa Orleans Hotel and Casino sa Las Vegas kasama ang isa pa ring music icon na si Melissa Manchester, nagpasikat ng kantang Looking Through the Eyes of Love, theme music ng pelikulang Ice Castle. Dinayo ang konsyerto nila sa kabila ng malakas na kumpetisyon na ibinigay sa kanila ng mga sikat ding sina Beyoncé, Rod Stewart, Jonas Brothers, Britney Spears, at Donny and Marie Osmond.

Maganda ang naging rapport nina Imelda at Melissa sa stage. Kinanta ni Melissa ang mga hit songs niyang Don’t Cry Out Loud, Midnight Blue, If This is Love at iba pa.

Totoong maituturing pa ring baguhan si Imelda sa international concert stage pero marami na rin ang nakakakilala sa kanya dahil may isa na siyang album na lumabas. Meron din siyang malaganap na TV at radio shows.

Dahil sa naging tagumpay ng konsyerto, dadalhin ito ng nag-produce ng concert sa Vegas, ang 618 International Enter­tainment, dito sa Pilipinas para mapanood din dito ng mga Pinoy sa September 18 sa PICC at September 20 sa Waterfront Cebu.

* * *

My 88-year-old mother would like me to bring her to the wake of former president Corazon C. Aquino. Ikinalungkot niya ng labis na mabalitaan na namatay na pala si Tita Cory. Tandang-tanda ko pa na nung 1986 ay tutol na tutol siya sa pagdadala ko ng tatlo niyang apo sa EDSA. Halos ikamatay niya ang pag-iisip na baka kung ano ang mangyari sa amin.

Napayapa lamang siya pagkaraan ng dalawang araw ay pumayag akong iwan ang mga bata sa kanya. Ako at ang mga kaibigan ko na lamang sa media ang nagpatuloy ng pakikibaka sa EDSA.

Pero simula nang maging pangulo si Tita Cory, hinangaan na ng ina ko ang tapang niyang pamunuan ng nag-iisa hindi lamang ang kanyang pamilya kundi lalo na ang isang bansang tulad ng Pilipinas. Ang pagiging parehong biyuda nila ang nagsilbing link niya sa “ina ng demokrasya.” Hindi man niya napapansin, nag-manifest ang paghanga niya sa dating pangulo sa madalas na pagsusuot ng damit na kulay dilaw.

I also remember that in the early days of Cory as president, pinuno niya ng yellow ribbons ang guava tree sa harap ng aming bahay.

I can not bring her to La Salle, hindi na niya kakayanin ang tumayo ng matagal. Hindi rin ako pumupunta sa patay pero pupunta ako sa bahay ng dating pangulo bilang pakikiramay. Magdadala ako ng bulaklak at magsisindi ng kandila in my mother’s name.

vuukle comment

BRITNEY SPEARS

CORAZON C

CRY OUT LOUD

DONNY AND MARIE OSMOND

GARY V

GARY VALENCIANO

ICE CASTLE

NIYA

PILIPINAS

TITA CORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with