Nido Fortified Science Discovery Center

MANILA, Philippines - Ilang batang artista at iba pang ordinaryong kaba­taan ang lumahok, nag-aral at namasyal sa paglu­lun­sad ng Science Discovery Center ng Nido Fortified sa SM Mall of Asia kamakailan.

Kabilang sa mga batang artistang ito na kasama ng kani-kanilang magulang sa unang interactive science discovery center sa bansa sina Sharlene San Pedro, Celine Lim, Basty Alcanses, Julio Pisk, Sophia Baars, Jacob Dionesio, Paul Salas at Angelo Garcia.

Nagsisilbing flagship center ng science advocay learning center ng Nido Fortified ang naturang science center. Isa itong technology-based science theme park na humihikayat sa mga estudyante na magka­interes sa siyensiya at kalikasan.

“Isang magandang lugar ang Nido Fortified Science Discovery Center para magkasama ang mga kabataan at kanilang mga magulang sa pagkuha ng mga kaalaman sa siyensiya,” sabi ng fashion icon at wellness advocate na si Tweetie de Leon-Gonzales.

Bukod kay Gonzales, dumalo rin sa paglulunsad ng parke ang mga celebrity na sina Dyan Castillejo, Marjorie Barretto, Jackielou Blanco, Mariz Ricketts, Yayo Aguila, Nina Ricci Alagao, Regine Tolentino at Ian Veneracion na nagdala rin ng kani-kanilang mga anak sa okasyon.  

Show comments