Magkakabalikan na nga ba sina Polo at Sunshine?

MANILA, Philippines - Kung puso ang magpapasya, may pag-asa pa kayang manumbalik ang pagmamahalan ng dating magka­sintahang binigyan ng pangalawang pagka­kataon na magkabalikan? 

Lahat ng ito ay masasagot sa pagtatapos ng Kay Tagal Kitang Hinintay episode ng Dear Friend ngayong Linggo pagkatapos ng S.O.P.

 Kahit anong pigil ni Michael (Polo Ravales) sa nararamdaman, hindi pa rin niya maitago ang katotohanang si Rachel (Sunshine Dizon) pa rin ang mas mahal niya. Ayaw na sana niya ng kumplikasyon dahil sa nalalapit niyang kasal, pero hindi pa rin niya malabanan ang isinisigaw ng kanyang puso.

Paninindigan ni Michael ang pagmamahal sa dating kasintahang si Rachel at magdedesisyong huwag nang ituloy ang kasal sa nobyang si Dianne (Chynna). Ngunit isang pangyayari ang magdudulot sa kanila ng matinding problema: magtatangkang magpa­kamatay si Dianne.

Paano nga ba magwawakas ang kuwento nina Michael, Rachel at Dianne? Sino ang pipiliin at mangingibabaw sa puso ni Michael?

Magkaroon pa kaya ng second chance ang pagmamahalan nina Rachel at Michael?

Birthday Kick Off Ni Gary

Hitik sa live performances ang ASAP ‘09 ngayong Linggo kasabay ng grand birthday kick-off ni Gary Valenciano.

Maririnig ang mga awiting pinasikat ni Mr. Pure Energy tulad ng Hataw Na, Shake It Off at Shout for Joy na hatid nina Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Jericho Rosales at Mark Bautista sa Rated PG.

Marian Dinayo Ni Mother Ricky

 Walang duda na ngayo’y itinuturing si Marian Rivera bilang Kapuso Primetime Drama Queen. Isa rin siya sa pinakamabiling celebrity product endorser sa bansa.

Ngayong Linggo’y may one-on-one interbyu si Mother Ricky Reyes kay Marian sa Life and Style ng QTV-11 alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga. Magsasalita ang seksing aktres tungkol sa bago niyang seryeng Darna at kung ano ang kaibahan nito sa mga nauna niyang papel sa Marimar, Dyesebel at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Para sa interbyu ay dumayo pa si Mother Ricky sa set ng Darna sa Plaridel, Bulacan. Tutok lang sa programa ngayong Linggo para malaman kung worth it ba ang biyahe ng LSWRR host-producer at kung anu-ano pang ibang personal na bagay ang nahalungkat niya kay MR at mapaamin kaya niya ito sa relasyon nila ni Dingdong Dantes?


Show comments