Mukhang kasing labo ng tubig ng binanlawang labada ang posibilidad na mai-promote mismo ni Dingdong Dantes sa GMA 7 ang pelikula nila ni Eugene Domingo kahit kapwa naman sila kabilang sa nasabing istasyon.
May September 2 playdate na ang Kimmydora, Uge’s supposed launch pad bilang susunod na komedyana to reckon with, kasado na rin ang schedule promo rounds nito maliban sa kanyang screen partner na si Dingdong. May kinalaman kaya ito kay Piolo Pascual, an ABS-CBN artist na isa sa apat na producer ng Spring Films?
Sinasabi na nga ba, ‘yung no-show pa lang ni Dong sa pictorial indicated that the actor had a lot to fix with his home studio as it originally wanted to co-produce the movie. Bagama’t ayon kay Dong ay nahilot na ang problema, it was not until the movie was almost completed. Puwedeng i-promote ‘yon ni Uge (natural, it’s her movie!), but never with Dong.
Nalungkot tuloy ang isang ABS-CBN insider, what he thought was another unifying actor between Star Cinema and GMA Films (after the hiraman involving Richard Gutierrez and KC Concepcion turned out to be a dud!)
For sure, nalulungkot din si Dong sa pangyayaring ito, isantabi na ang raging (and enraging) network war dahil mas mahalaga ang suportang makukuha ng isang baguhang film outfit—regardless of the bida’s affiliation—as its eventual success spells life to resuscitate a dying industry.
* * *
Happily reunited with her Malaysian husband of two years, through on-line na lang ito mababasa ng nag-resign nang ABS-CBN CorpComm executive staff na si Ms. Lorie Dionisio-Piravalasamy. After much thought, mas pinili ni Lorie na isantabi ang kanyang career in favor of marriage batay na rin sa kaugalian ng mga babaeng married to Malaysian partners.
But Lorie did not leave last Tuesday night nang walang pa-send-off party para sa kanya ng Kapamilya network, even close reporter-allies tulad ng inyong lingkod.
Ang nakaka-touch pa sa hitad na ito, alien as I virtually am sa kanilang teritoryo ay mainit niya akong winewelkam, let no network barries come between us. Lalong walang power-tripping at feeling magaling school of PR!
* * *
Masusubukan ang husay ni Kuya Germs sa pagkanta as he and partner Shalala outperform six other pairs in tonight’s All Star K One Million-Peso Videoke Challenge.
May temang friendship, ang makakatunggali ng PSN columnist at ni Shalala ay sina Pia Guanio at Claudine Trillo; Gretchen Espina at Ram Chavez; Rob Sy at Jace Flores; Maggie Wilson at Danielle Castana, Sunshine at Mia ng Sex Bomb; Polo Ravales at Joseph Bitangcol.
Guest co-host ni Allan K ay si Ms. Tessa Prieto Valdes, samantalang nakasalalay kina Hajji Alejandro at Rico J. Puno kung sino sa pitong pares ang magkakamit ng premyo na bonggang-bongga!