Kampo ni Marjorie consistent ang denial

Nag-deny ang mga malalapit na tao kay Marjorie Barretto. Hindi raw totoo ang balita na na­nganak siya sa San Francisco, California.

Pinaninindigan din nila ang denial noon ni Mar­jorie. Ano kaya ang masasabi ng source mula sa Amerika na totoong nanganak sa ibang bansa ang kapatid nina Gretchen at Claudine Barretto.

Hindi na maabot si Marjorie ‘huh! Hindi na nga siya active sa TV, hindi pa siya tinatantanan ng mga intriga.

Hintayin na lang natin ang mga susunod na kabanata dahil siguradong lalabas ang kato­tohanan. Walang lihim na hindi nabubunyag ‘noh!

* * *

Bumilib sa pamilya ni DILG Secretary Ronnie V. Puno ang showbiz press. Kasi naman, magagaling mag-sing ang kanyang tatlong anak na babae na isinama niya sa presscon noong Huwebes.

May-I-sing ang Puno girls ng Saan Ka Man Naroroon at You & I. Take note, acapella ang pagkanta nila pero perfect ang performance ng daughters nina Papa Ronnie at Mama Pinky.

Kitang-kita ko ang pagmamalaki nila habang pinapanood ang pagkanta ng kanilang mga anak na sina Rona, Weng at Nina.

Dapat kainggitan sina Papa Ronnie at Mama Pinky dahil meron silang mga anak na mababait, disiplinado at may paggalang sa kapwa. Maayos kasi ang pagpapalaki sa kanila.

* * *

Bumilib ang mga showbiz reporter kay Papa Ronnie dahil hindi nila narinig na nanira siya ng kapwa.

Puro magagandang salita ang lumabas mula sa kissable lips ni Papa Ronnie. Pinuri niya sina Edu Manzano, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Kahit sinisiraan siya ng kanyang detractors, walang pangit na sinabi si Papa Ronnie. Very gentleman at vice-presidentiable ang kanyang attitude.

Na-touch ang mga reporter nang sabihin ni Papa Ronnie na nagpapasalamat siya sa mga tulong sa kanya ng entertainment press. Na-feel daw nila ang sincerity ni Papa Ronnie.

* * *

Pito ang anak nina Papa Ronnie at Mama Pinky. Nagsisimula sa letter R ang pangalan ng lahat ng kanilang mga anak.

‘Yon kasi ang bilin kay Papa Ronnie ng kanyang ama. Kailangan daw na letter R ang simula ng pangalan ng kanyang mga anak dahil tradisyon na ito ng pamilya Puno.

Eh masunurin na anak si Papa Ronnie kaya letrang R ang umpisa ng name ng mga bagets.

* * *

 Hindi nag-comment si Mama Pinky at ang kanyang tatlong anak tungkol kay Gretchen Barretto na nali-link sa kanilang Uncle Dodie.

Wala raw silang alam tungkol sa isyu. Wondering ngayon ang mga reporter. Sino na raw ang kanilang tatanungin dahil may balita nga na hindi na friends sina Greta at Papa Dodie.

Hindi man nag-comment sina Rona, Nina at Weng, nagbigay sila ng assurance na good boy ang tatay nila as in walang ibang babae sa buhay ni Papa Ronnie.

Show comments