Seminar ng Center for Pop Music tagumpay
MANILA, Philippines - Isang seminar-workshop hinggil sa hosting at emceeing for beginners ang matagumpay na isinagawa ng Center for Pop Music Philippines, Inc. (CPMPI) kamakailan sa SMX Convention Center sa Mall of Asia sa Pasay City.
Pangunahing tagapagsalita at facilitator ang founder at CEO ng CPMPI na si Butch Albarracin na isang leading trainer sa larangan ng stage confidence.
Kabilang sa nagsanay kay Albarracin ang mga kilalang singer na sina Charice, Sarah Geronimo, Nina, Erik Santos, Rachelle Ann Go, at iba pa.
Sa naturang seminar, itinuro ang spiels development, technique for rationale, effective introductions, extro, ad libs, transition statements for continuity, wit and sense of humor, confidence building exercise at improving one’s public speaking voice.
Naging tampok din dito ang situational demonstration, on-the-spot corrections, at ang paggawad ni Albarracin ng mga certificates of achievement sa mga kalahok.
- Latest