Isa nang correspondent sa isang dyaryo ang pop diva at Material Girl na si Madonna.
Napaulat sa TMZ na kinuha si Madonna bilang bagong international correspondent ng Yediot Ahronot, isang dyaryo sa Israel.
Nagsimula nang lumabas kahapon sa Yediot Ahronot ang byline ni Madonna na kakabit ng artikulo niyang pinamagatang How My Life Changed.
Gayunman, isinalin ng pahayagan ang artikulo ni Madonna sa salitang Hebrew.
Hindi Hebrew si Madonna pero ginagamit niya ang Hebrew name na Esther at nag-aral siya ng Jewish mysticism.
Noong 2004, nagtungo si Madonna sa Israel para sa isang private pilgrimage. Plano niyang mag-show doon sa darating na Setyembre bilang bahagi ng kanyang Sticky & Sweet Tour.
Sa kanyang artikulo, inilarawan ng 50 anyos na singer ang simula ng pagkamulat niya sa relihiyon may 14 na taon na ang nakakaraan.