Rosanna 'di nakakabayad ng kuryente; Survivor Philippines nabuking dahil sa Presidente ng Palau
SEEN : Sa Palau at hindi sa Australia ang mga eksena ng Survivor Philippines 2.
Hindi nagawang ilihim ng production staff ang isla na pinuntahan ng mga castaways dahil sa balita na inilabas ng Radio New Zealand International noong June 18, 2009:
The President of Palau, Johnson Toribiong, is to reverse an order by the Foreign Investment Board imposing fees on foreigners working in Palau on the Philippines version of the television series, Survivor. The Board had decreed that each of the 100 foreign workers employed during the filming had to pay 500 US dollars. Mr. Toribiong ordered the Board to reconsider its decision, but it refused.
Two members of the board have resigned over the Presidential interference. But Mr. Toribiong says the imposition of the workers’ fees on the film company is discriminatory. He says he wants to promote tourism and the national economy and the hosting of the Philippines Survivor series should be encouraged.
Mr. Toribiong says the makers will spend more than 800,000 US dollars in the country and employ more than 100 Palauans.
SCENE : Ang pagbabalik ng Celebrity Duets. Contestant si Jomari Yllana.
SEEN : Sina Manny Pacquiao at Kobe Bryant sa Embassy Bar. Nagbigay-pugay si Manny sa sikat na basketball player.
SCENE : Joseph Bonifacio ang pangalan ng lalaki na pakakasalan ni Rica Peralejo.
Hindi pa ipinapakita ni Rica sa publiko ang kanyang pastor na fiancee.
SEEN : National Artist na ang Komiks King na si Carlo J. Caparas.
Scene : Ang balita na nagkakaproblema si Rosanna Roces sa pagbabayad ng kuryente sa kanyang bahay.
Seen : Ang pagbisita kamakalawa ni Senator Mar Roxas sa opisina ng Star Group of Companies sa Port Area. Dramatiko ang pagdating ni Senator Mar dahil nakasakay siya sa pedicab. Padyak, Senator Mar, Padyak.
Scene : Halos limang milyong piso ang presyo ng sports car na ibinangga ni Anne Curtis. Aral ito sa mga artista na puwedeng ipaubaya ang pagmamaneho sa kanilang mga driver pero sila ang nagpapatakbo ng sasakyan kahit pagod at puyat.
- Latest