^

PSN Showbiz

Bagong boyfriend ni Maricel Soriano galing sa mayamang angkan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Walang magawa si DENR Sec. Lito Atienza sa kakaibang tapang na ipinakikita ng kanyang anak na si Kim sa programa nito sa ABS-CBN na Ma­tanglawin (every Sunday). Like sa Sunday, makiki-tsika si Kim sa isang dambuhalang buwaya.

Sabi ni Sec. Atienza, natatakot siya para sa anak, pero nakikita naman niyang maligaya ito sa trabaho.

Eh sino nga ba namang ama ang hindi matatakot sa mga ginagawa ni Kim? Ultimo sa scorpion ay nakikipagkagatan siya.

Anyway, mukhang malaki ang posibilidad na magbago ang isip ni Manny Pacquiao sa kanyang naunang plano na kumandidatong congressman sa Saranggani.

Ang payo raw kasi ni Sec. Atienza - sa party list na lang siya kumandidato, sa ilalim ng kanyang Pacman party at siguradong panalo siya. “Ang kailangan niya lang boto, 300 thousand. Mag-concentrate siya sa sports development at puwede pa siyang magsama ng mga sports icon like si Paeng Nepomuceno at Lydia de Vega sa Kongreso,” paliwanag ng kino-consider na ama ng boxing champion.

Ang punto pa ni Sec. Atienza, mapaglilingkuran niya pa ang buong bayan kung uupo siya sa kongreso sa ilalim ng party list.

Malamang pa raw, kung sa party list, makakakuha siya kahit 4 million na boto dahil sa kanyang popularidad sa buong bansa dahil sa kanyang pagiging magaling na boksingero sa buong mundo.

Anyway, hindi lang pala ako ang nagre-reklamo sa panget na kalsada sa Maynila. Ayon sa dating mayor ng Maynila, nire-reklamo rin sa kanya ng mga kapit-bahay niya. Ang sabi raw kasi ng local government ng Manila, wala na silang pondo na ikinatataka niya (Atienza) dahil P2.6 billion ang iniwan niyang pera noong matapos ang kanyang termino bilang mayor.

Isa pang nakakaalarmang kuwento ni Sec. Atienza ay ang nakakatakot na oil depot sa Pandacan. Imagine, oras na magkaroon pala ng aksidente sa nasabing oil depot, makakarating hanggang Malacañang ang pagsabog. Nauna na raw sinabi ng Presidential Security Group (na ‘wag naman sana), na kung may masamang mangyayari, hindi nila alam kung paano ililigtas ang pangulo.

Ka-afraid.

Isa si Iskho Moreno sa pumirma ng ordinance na pumapayag na manatili sa Pandacan ang nasabing oil depot kaya nega ang dating niya sa showbiz.

Oh my, ipagdasal na lang natin na walang masamang mangyari sa oil depot dahil apektado ang buong Maynila bukod pa sa masamang epekto nito sa kalusugan ng mga mamamayan ng Maynila.

* * *

Masayang-masaya ang mga nagtitinda ng lugaw, ulam, meryenda at kung anik-anik noong Martes ng hapon, malapit dito sa aming opisina. Ang rason, pinakyaw ni Sen. Mar Roxas ang kanilang mga tinda para ipakain sa mga bata dito sa Port, Area Manila.

Umabot umano sa P18,000 ang binayaran ni Sen. Roxas sa mga tindahan.

Kaya naagawan daw ng eksena ang senador nang dumalaw sa office ng Philippine Star. Mas pinagkaguluhan daw ang kanyang blow out.

Pero nakaaaliw na pati yosi ay hinihingi sa senador.

* * *

In love raw ngayon si Maricel Soriano sa isang mayamang negosyante na hi­walay sa asawa.

Ayon sa isang source, hindi pa gaanong natatagalan ang relasyon ng dalawa.

Galing daw sa kilalang pamilya ang nasabing bagong inspirasyon ng aktres.

AREA MANILA

ATIENZA

AYON

ISA

ISKHO MORENO

KANYANG

LITO ATIENZA

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with