^

PSN Showbiz

Goma at Lucy double time sa pagbuo ng baby

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Kahit medyo nangangapa sa pakikipag-negotiate ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, wala pa rin silang napipisil na ipalit sa namayapa nilang manager na si Tito Douglas Quijano. Pero sabi ni Goma, meron na silang maiksing listahan.

Pakiramdam naman ni Lucy, masyadong mahirap huma­nap ng bagong manager na nasa kaparehong level ni Tito Dougs.

Pero hindi niya gusto sa tuwing matatanong siya ng mga ka-negotiate niya kung magkano ang talent fee niya.

“I hated pag tinatanong nila kung magkano ako,” sabi ni Lucy kahapon sa launching ng ini-endorse nilang product na mag-anak kasama pa ang kanyang parents, Manuel and Julie Torres as Lolo and Lola, ang Birch Tree Milk.

Ang nasabing commercial ang huling project ni Tito Dougs para sa kanila. Pero dahil madalas na nga siya noon sa Lucban, Quezon, kaya sinabi na nito (Tito Dougs) kay Goma na : “kaya na ni Richard yun.”

Nag-attend pa ng TV shoot si Tito Dougs noon according to Lucy bago pa man ito namatay.

At kung meron man mga ibang nasa kuwadra ng dati nilang manager ang may kanya-kanya nang bagong manager, hindi isyu sa kanila dahil during the wake, napag-usapan na nila na walang problema dahil may kanya-kanya silang pangangailangan.

Sa grupo, silang mag-asawa at Joey (Marquez) at Jomari (Yllana) na lang ang walang manager.

Sabi raw ni Joey, kung sino ang magiging manager nila, doon na rin siya.

Pero pinagtanggol ni Lucy si John Estrada na balitang nanadyak at nanapok sa ‘party’ for tito Dougs last week ng isang baguhang aktor.

“Wala naman ako doon. I was in Ormoc, ang nakarating sa akin, kuwento na lang. Hindi naman ‘yun first time. Pero alam mo si John, happy guy siya. Wala siyang mean bone. Siguro like any other guy, he has a temper. Hindi siya ang tipo ng basagulero. Hindi ‘yun mahilig sa gulo,” pagtatanggol ni Lucy sa kaibigan nila.

Umaasa rin siya na sana, si Priscilla Meirelles (current girlfriend ni John) ang makatuluyan ng aktor.

“Sana siya na for him,” dagdag ni Lucy na ang alam niya ay sa 2011 pa nagpa-planong pakasal ang da­lawa.

Naghahanda na sa Ormoc

Kinumpirma ni Lucy na nagha­handa na silang mag-asawa sakaling mag-decide kuman­didato si Goma for congress sa eleksiyon sa susunod na taon.

Sa previous interview ni Goma, sinabi na niyang mas madalas na sila sa Ormoc.

Pero walang regret si Lucy na tumakbong senador si Goma at natalo. “It was a nice experience,” sabi nito na itinanggi ang tsismis na gatas ang ipinangliligo niya kaya sobrang flawless ang balat niya. Pinaglihi lang daw siya kay Mama Mary at sa kesong puti kaya sobrang kinis ng balat niya na kinaiinggitan ng marami.

“Madali nang mag-decide pag prepared ka,” sabi ng misis ni Goma na kino-consider tulad ng maraming bagay na dumating sa buhay niya na hindi niya inaasahang dumating pero nangyari oras na maging seryoso si Goma sa pulitika.

“Pag open ka talaga, plenty of wonderful things will come. At kung talagang ukol, bubukol.”

Maraming agree na mas ideal kay Goma ang maging congressman. “By heart, alam ko na ang pangangailangan dahil doon ako galing,” pag-sang ayon ni Lucy.

Trying hard nang magka-anak

“Never kaming nagkulang sa pagta-trying hard sa paggawa ng baby,” sagot ni Lucy sa kung bakit wala pa ring kasunod si Juliana hanggang ngayon. Double time na nga raw.

Speaking of Juliana, mismong ang anak pala nila ang nag-convince sa kanyang parents na sumama sa Birch Tree commercial nang malaman nito na kailangan ng lolo at lola.

Medyo hesitant pa raw noong una ang daddy niya pero ang mommy na niya ang naka-convince dahil na-excite ito.

Pero hindi porke’t lumalabas na sa commercial si Juliana ay puwede na itong mag-artista. Sabi ni Goma, kung gusto ni Juliana, kailangan muna nitong makatapos ng pag-aaral.

Goma Nagka-Amnesia

Parang nagkaroon ng amnesia si Goma nang tanungin tungkol sa pelikulang gagawin sana nila ni Megastar Sharon Cuneta.

“Ha, may ganun ba. Siguro, kalimutan na lang natin ‘yun,” sabi ni Goma na nakangiti naman.

Carlo Caparas National Artist For Visual Arts

Congrats to Direk Carlo J. Caparas. Kahapon ay pormal nang ini-announce ni President Gloria Macapagal-Arroyo na siya ang bagong National Artist for Visual Arts.

Proud na proud ang kanyang misis na si Ms. Donna Villa sa bagong karangalan ng kanyang asawa.

“Big honor naman talaga ‘yan sa entertainment industry. From komiks king, box office king to TV ratings king. Bihira naman dumating sa buhay ng tao ang ganito. Ultimate na. He deserves it naman for working so hard his entire life. Napakalaking bagay nito kay Carlo,” sabi ni Ms. Donna sa kanyang text message. Kasalukuyan daw silang nasa probinsiya.

GOMA

JULIANA

LUCY

NIYA

ORMOC

PERO

SIYA

TITO DOUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with