MANILA, Philippines - Parating na ang pinaka-magandang araw sa buong kalawakan at matutunghayan ito ng live na live sa ABS-CBN.
Mahigit 80 sa pinakamaalindog, pinakaseksi at pinaka-nakabibighaning mga kababaihan mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo ang magsasama-sama para sa inaabangang Miss Universe 2009 sa Bahamas ngayong Agosto, kasama na ang pambato ng Pilipinas na si Pamela Bianca Manalo.
Bago mapanalunan ang titulong Bb. Pilipinas-Universe, ang 23 taong gulang na si Bianca ay nagtatrabaho bilang isang flight stewardess at dati ring host ng Studio 23 variety show na Rush TV Atin ‘To.
Hindi na iba sa kanya ang mga ganitong uri ng patimpalak dahil miyembro siya ng isang pamilya na pawang mga beauty queens. Ang kanyang kapatid na si Katherine Ann Manalo ay semi-finalist sa Miss World noong 2002 habang ang kanyang tita na si Nenita Ramos ay semi-finalist naman sa Miss International noong 1968.
Susubukan ni Bianca na makuha ang korona sa Venezuelan at reigning Miss Universe 2008 na si Dayana Mendoza sa pageant night na pangungunahan ni Access Hollywood co-anchor Billy Bush at Celebrity Apprentice star na si Claudia.
Ito na ang ikatlong taon na ang ABS-CBN ang pinili ng Miss Universe organization para maging eksklusibong media partner dito sa Pilipinas. Matatandaang ang Kapamilya Network din ang nagpalabas ng Miss Universe 2004 na ginanap sa Maynila kung saan ang Miss India na si Shusmita Sen ang nag-uwi ng tagumpay.
Sino nga ba ang susunod na Miss Universe?
Alamin ang kasagutan ngayong August 24 (Monday) sa live telecast ng ABS-CBN sa Miss Universe 2009 sa ganap na 9:30 ng umaga na may primetime telecast sa parehong araw sa Velvet (SkyCable Channel 53) ng 8:00 P.M. Muli itong tunghayan sa August 25 (Tues), 8:00 PM, sa Studio 23 at sa August 30 (Sunday), 10 PM sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa Velvet sa Aug 26 (Wed), 8:30 PM, at sa Aug 29 (Sat), 10 PM.