Heart mahilig sa may edad

Kasisimula pa lang ng shooting, may playdate na ang reunion movie nina Aga Muhlach at Regine Velasquez sa Viva Films na may working title na Of All the Things. Sa November 4, first Wednesday, ipapalabas ito.

Kuwento ni direk Joyce Bernal, director ng pelikula, ibabatay sa edad nina Aga at Regine ang kanilang mga role pati mga eksena. Hindi pa nito masagot kung may kissing scene at kung may love scene ang dalawa’t ’di pa nga nagsu-shooting. Pero si Aga’y nagpahayag na marami silang kissing scene ni Regine.

High-class fixer daw ang role ni Regine na tiyak na makekeri nito at umbrella boy naman si Aga o ‘yung mga taong sa ilalim ng payong ang trabaho, nagta-type o tumutulong sa pag-aasikaso sa mga papeles ng mga lumalapit sa kanila. Marami sa kanila ang nakikita namin sa harap ng SSS at sa ibang government offices.

* * *

Nasulat at nabalita nang si Rhian Ramos ang gaganap sa role ni Jodi at makakapareha ni Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven, pero last Monday, nag-audition pa lang si Rhian sa role ni Jodi at nakasabay pa niyang mag-audition si Maxene Magalona.

Hindi nakuwento sa amin kung may mga susunod pang mago-audition, pero ibig sabihin, hindi pa siguradong si Rhian na nga ang leading lady ni Dingdong.

May mga viewers na gusto si Maxene sa role ni Jodi, pero marami ang naniniwalang mas bagay kay Jennylyn Mercado at kay Heart Evangelista ang nasabing role. Kaso may gagawin si Jennylyn with Mark Herras at si Heart naman ay leading lady ni Richard Gutierrez sa Full House.

Ang role na lang yata ni Eunice, ang main kontrabida ng Stairway…, ang hindi pa napipili at gusto ng production staff na actress with strong personality ang mahahanap nila at kung puwede ay kamukha ng Korean actress na original na nag-portray sa role ni Eunice.

* * *

Narinig namin kay Heart Evangelista sa Showbiz Central last Sunday na hindi pa siya ready to fall in love again at career muna ang concentration niya. After Ngayon at Kailanman nila ni JC de Vera, gagawin nila ni Richard Gutierrez ang Full House at may pelikula pa siyang gagawin.

Sa tinuran ni Heart, mahihirapan si Joey de Venecia III sa panunuyo sa kanya’t nai-on-the-air na ng aktres na out muna ang pag-ibig sa buhay niya. Hindi naman daw magi-give up si Mr. De Venecia at balita namin, hindi na lang sa taping nina Heart at JC, nagpaparamdam. Marami ang nakakita sa ipinadala nitong bulaklak kay Heart sa SOP.

Napapansin lang naming sa much older men nai-involve si Heart lately. After Francisco Delgado, kay Mr. De Venecia naman na mas matanda rin sa kanya ng ilang taon.

Samantala, sa Ngayon at Kailanman, masaya si Ayra (Heart) na nakaligtas si Edwin (JC), nangako silang mamahalin ang isa’t isa at nagpalitan pa ng singsing. Ibenenta ni Ayra ang hacienda para mabayaran ang hospital bills ng asawa. 

* * *

Mabuti naman at naayos na ang gusot between Mother Lily Monteverde and Ricky Gallardo, ang manager ni Eugene Domingo at tuloy na ang paggawa ng pelikula sa Regal Films ng komedyana.

Nakipag-meeting na si Ricky kay Mother Lily at nai-offer ang Ang Nanay Kong Aswang na magiging first movie ni Carla Abellana. Originally, kay Eugene talaga ang project, naudlot lang dahil nagkaroon ng isyu ang manager nito at si Mother Lily noong Desperadas 2, kaya hindi natuloy si Eugene.

May mga pangalang nabanggit na ipapalit sana kay Eugene sa Ang Nanay Kong Aswang, pero laging ’di natutuloy at nagkaka-problema. Ibig sabihin, para kay Eugene talaga ang pelikula and in fairness, bagay sa kanya ang project.

Show comments