MANILA, Philippines - Ang mga bata, katulad ng matatanda, ay may iba’t ibang personalidad. Merong pala-ngiti, pala-iyak, mahiyain, at makulit. Importante na habang baby pa lang ay malaman na ng mga magulang kung anong character meron ang kanilang anak para maintindihan nila, hindi lamang kung paano sila pakikitunguhan kundi pati na rin ang kanilang unique bonding needs.
Ngayong Miyerkules sa Mommy Diary, magkakaroon ng chance ang mga mommy na matutunan ang iba’t ibang style ng pakikipag-bonding sa kanilang mga anak. Mula sa kilitian hanggang sa habulan, ibabahagi ng Mommy Diary ang mga “gigil moments” na ito sa pangunguna ng host na si Suzi Entrata-Abrera at ng isang expert dito.
Sasamahan din si Suzi ng celebrity mom na si Daphne Oseña-Paez na magkukuwento naman tungkol sa bonding moments niya kasama ang kanyang dalawang little girls.
Abangan lahat nang ito sa Mommy Diary ngayong Miyerkules, 10:15 a.m. sa GMA 7 at 6:10 p.m. naman sa Q Channel 11.