Anne lumabas na ng ospital

SEEN: Ang sobrang galit ni Selina Sevilla sa fake doctor na nag-inject ng silicone oil sa kanyang puwet na naimpeksyon.

Doc at hindi kuya ang naging tawag ni Selina kay Boy Abunda nang mag-usap sila sa The Buzz noong Linggo, bunga ng sobrang galit.

SCENE: Kinakabahan ang mga aktres na nagpaturok din ng silicone gel sa fake doctor na nagretoke sa butt ni Selina.

Natatakot ang mga aktres na mangyari rin sa kanila ang malungkot na karanasan ni Selina.

SEEN: Ang mga nanalo sa 5th Cinemalaya Independent Film Festival. Dumating ang mga winners sa kabila ng malakas na ulan at pagbaha sa Maynila.

Best Actress: Ina Feleo (Sanglaan)

Best Actor: Lou Veloso (Colorum)

Best Supporting Actress: Tessie Tomas (Sanglaan)

Best Supporting Actor: Arnold Reyes (Astig)

Best Director: GB Sampedro (Astig)

Best Film: Last Supper No. 3

National Council for Children’s Television Award: Dinig Sana Kita

Audience Choice (Full Length): Dinig Sana Kita

Special Jury Award: Colorum and Ang Panggagahasa Kay Fe

NETPAC Award: Baseco Bakal Boys

Best Screenplay: Nerseri

Best Cinematography: 24K

Best Production Design: Mangatyanan

Best Editing: Astig

Best Musical Score: Dinig Sana Kita

Best Sound Recording: Astig

Best Short Film: Bonsai

Special Jury Award: Blogog

Audience Choice (Shorts): Tatang

Best Director (Shorts): Dexter B. Cayanes (Musa)

Best Screenplay (Shorts): Behind Closed Doors

SCENE: Ligtas na si Anne Curtis. Lumabas na siya ng ospital.

Galing si Anne sa birthday party ni Sarah Geronimo nang bumangga ang kanyang sports car sa isang truck na nakahinto at naghihintay ng green light.

SEEN: Sakop ng City of Manila ang US Embassy.

Mali ang article ng StarStudio magazine na matatagpuan sa Pasay City ang US Embassy.

Show comments