Kahit sinabihang you're so beautiful, 'Married na si Kobe, 'di ako home wrecker'- Michelle

Sino man kina Zorro at Antonio (both ably portrayed by Richard Gutierrez) ang magwawagi sa puso ni Lolita (Rhian Ramos) sa nalalapit na pagtatapos ng kuwento ng swashbuckling hero ng local television, ang aktor pa rin ang wagi dahil hanggang sa kahuli-hulihang episode ng serye, susubaybayan ng mga manonood ang kanyang pakikipagsapalaran.

Matagal ding umere ang Zorro na kung saan ay ipinamalas ni Richard ang kanyang talento sa aksiyon. Hindi lamang siya nagpamalas ng husay sa paghawak ng espada at sa pakikipaglaban na gamit ito, ipinamalas din niya ang kanyang husay sa pangangabayo. Sa huling dalawang linggo ni Zorro sa telebisyon, malalaman niya kung sino sa dalawang kaanyuan niya ang mas malapit sa puso ni Lolita.

* * *

Samantala, bukod sa pagwawakas ng istorya ng Zorro, kung saan makakatuluyan ng character ni Michelle Madrigal si Bernardo na ginagampanan naman ni Jay Aquitania excited si Michelle sa naging pagkikilala nila ng basketball giant na si Kobe Bryant. Akala nga ng marami na saksi sa kanilang meeting na magkakaroon pa ito ng follow up since mukhang smitten naman si Kobe Bryant sa ating young actress, sinabi ni Michelle na : “He’s married, at hindi naman ako home wrecker. At saka baka talagang nagandahan lang siya sa akin pero, hanggang dun lang ‘yun, hindi ko sineryoso ang sinabi niyang ‘You’re so beautiful,’” pagtatapat ni Michelle na nagsabing kukuha siya ng test para ma-evaluate kung kailangan pa niyang bumalik ng school para tapusin ang kanyang high school.

“Ngayong may pang-tuition na ako, puwede na uli akong mag-aral Hindi ko lang alam kung kakayanin ito ng sked ko. Hihintayin ko lang na makuha ko ‘yung test para malaman ko kung babalik ako ng high school o hindi,” sabi niya.

Show comments