Hindi na ako umakyat sa Thanksgiving party ng Zorro sa 17th floor ng GMA Network Center noong Sabado dahil dumiretso na ako ng uwi ng bahay mula sa Startalk.
Alas-kuwatro ng hapon ang imbitasyon ng Corporate Communications ng GMA 7 pero maagang dumating sa GMA 7 ang buong cast ng Zorro.
Nainterbyu kaagad ng Startalk staff si Richard tungkol sa demanda sa kanya ng asawa ni Nomar Pardo pero hindi na ito umabot sa Startalk.
Kasama ni Richard sa presscon sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, pati na ang kanilang mga abogado na nagpaliwanag sa mga reporter ng posisyon nila tungkol sa kaso ng Reckless Imprudence Resulting In Homicide na isinampa ni Lorayne Pardo, ang balo ng namatay na personal assistant ni Richard.
Hindi pa pala nababasa ng mga abogado ni Richard ang complaint. Nalaman lang nila na nagdemanda si Lorayne dahil nagpatawag ito ng presscon noong Biyernes at nagpainterbyu sa mga news program.
Ang sey ni Richard, shocked siya sa pagdedemanda ni Lorayne dahil maayos ang pakikipag-usap dito ng kanyang nanay na si Annabelle Rama.
Inako ni Richard ang pagpapaaral hanggang college sa dalawang maliliit na anak nina Nomar at Lorayne plus P12,000 na monthly allowance na good for three years dahil dose mil kada buwan ang pasuweldo niya kay Nomar.
Pero dahil nga nagdemanda si Lorayne, nadismaya si Richard. Gusto man niya na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong, mahirap nang gawin ito dahil kinasuhan na siya.
Eh napanood ko sa TV ang interbyu kay Lorayne. Paulit-ulit ang kanyang statement na hindi siya papayag sa settlement. Kung ayaw ni Lorayne na makipag-areglo, ano ang gusto niya? Ang makita na nakakulong si Richard?
Mismong ang tatay ni Nomar ang nagsabi kay Richard na huwag nitong sisihin ang sarili sa pagkamatay ng kanyang anak dahil aksidente ang nangyari.
Maayos ang pag-uusap nina Mang Ramon at ni Richard kaya nagtataka ito dahil iba na ang mga sinasabi ng ama. Hindi raw siya nag-sorry sa nangyari kay Nomar.
* * *
Hindi man ako nakapunta sa Thanksgiving party ng Zorro, go naman si Papa Ricky Lo. Siya ang nag-interbyu kay Richard para sa Startalk.
Na-sad ang mga reporter sa message ni Richard para sa publiko na sumusubaybay sa kaso. Ito ang message na type ni Richard na iparating sa lahat sa pamamagitan ng mga talk show ng GMA 7 na pinaunlakan niya:
“Gusto ko lang pong malaman ng taumbayan na alam po nating lahat na aksidente ang nangyari. Nagkataon lang po na ako ‘yung nabuhay. Nagkataon na ako ‘yung nagda-drive. Baka kung hindi po ako ang nagda-drive, baka wala pong kaso ngayon.
“Aksidente po ang nangyari. Hindi ko po intensiyon na mangyari ito. Hindi ko gusto. Pati po ako nawalan ng kaibigan kaya malungkot din po ako sa mga nangyayari.
“For now, gusto ko pa rin tumulong sa mga anak ni Nomar. Pero dahil po nagsampa sila ng kaso at gusto nila akong makulong, unti-unti ko pong nare-realize na nire-reject nila ‘yung tulong na gusto kong iparating sa kanila at ayaw nilang tanggapin yon. Wala na po akong magagawa.”
* * *
May message din na gustong iparating ang PSN reader na si Shiela Lunasco sa staff ng Joey’s Quirky World ni Papa Joey de Leon. Heto ang apela ni Sheila na siguradong makakarating sa staff ng show ni Papa Joey dahil nagbabasa sila ng PSN :
“ I just like to comment on Joey de Leon’s show, Joey’s Quirky World.
“I really like this show coz it’s informative and entertaining but at the same time, it’s kinda depressing when you hear the voice over... sobrang kabaklaan...
“It’s getting irritating and annoying. Hindi ba puwedeng si Mr. Joey ang mag-narrate ng topics, just like what he does at Mel and Joey?
“Sayang talaga ang show na eto. I don’t have anything against gays pero puwede naman silang mag-narrate na di na hinahaluan ng kabaklaan.
“This is just something I share with my friends and family and they really agree with me. The show and the content is good but the other cast are useless and irritating.
“Regards to Joe. I hope the staff behind this show will take this constructively and thanks to you as always for reading my e-mail.”