Buwelta ni Richard

 “Unfair ‘yun. Hindi lang naman ako ang nawalan. Mas matagal ko pa ngang nakakasama si Nomar kesa sa kanila. Sila siguro, once a week lang siya nakakasama,” sabi ni Richard Gutierrez tungkol sa isinampang kaso sa kanya ng biyuda ng kanyang personal assistant na nasawi sa isang aksidente noong May 22 sa may Tagaytay nang sumalpok sa malaking poste ang minamaneho niyang Nissan sports car.

“Saka ‘di nila puwedeng sabihin na wala akong naitulong na kahit singko sa kanila.

“Last year pa, ako na ang nagpapa-aral sa panganay na anak ni Nomar,” sabi ni Richard na hindi alam kahit ng kanyang mommy Annabelle Rama na nagpapa-aral pala siya. (“Day sinabi niya lang sa akin, kahapon lang ng umaga. Hindi ko alam na pinag-aaral niya pala,” sabi ni AR.)

Sinabi ni Richard na hindi niya alam ang exact amount, pero alam niyang tumulong sila at ang maraming mga kaibigan niya sa showbiz sa mga naiwan ni Nomar. “Nagbigay ng donation ang mga kaibigan ko. Pati ang ate ko (referring to Ruffa Gutierrez) nagbigay ng malaking amount.

“Kaya hindi totoo ang sinasabi nila na wala akong naitulong kahit isang peso, meron silang natanggap,” sabi ng aktor kahapon sa presscon for the finale episode ng kanyang programa sa GMA 7 na Zorro.

Sinabi rin ni Richard na hindi siya tumangging makipag-usap sa naulilang asawa ni Nomar. “Nang gusto niya akong kausapin ‘yung araw I was got out to the hospital. Pero traumatized pa ako. Nakita ako ang body ni Nomar. Sobrang devastated pa ako. Gusto niya akong hilahin sa private room. At hindi siya mukhang pleasant noon kaya sinabi ko sa kanyang next time na lang kami mag-usap.

“Sinasabi niya ngayon na wala siyang pambili ng gatas ng anak nila kaya sabi namin, sige tutulungan namin pero obviously nagbago ang isip nila. They wanted more money now. Gusto nila ng pangkabuhayan showcase eh hindi naman ako game show,” patuloy ni Richard sa nasabing interview bago pa man nagsimula ang presscon.

Ang naririnig niyang bulungan, apat na milyong peso ang hinihingi ng pamilyang naulila ni Nomar. “Nung time na nasa wake ako, ‘yun ang bulung-bulungan. Saka ‘yun ang nakalagay sa statement nila, P4 million ang hinihingi nila.

“Of course lalabanan namin ang kaso. Napaka-unfair nito. Hindi lang naman sila ang nawalan.”

Anyway, may additional info sa official statement ni Richard :

I learned, through media sources, of the criminal case filed against me by Nomar’s widow, and I am very saddened and upset by this unfair act.

Nomar was more than an assistant to me; he was a good friend. What happened in the morning of May 22, was an accident, one which took my friend’s life, and where I also could have died. The trauma which that accident caused me I will carry all my life, but I was not negligent, nor did I commit any crime.

It was an accident that could have happened to anyone; in fact the initial reports which were released soon after the incident confirmed that there were at least six vehicular accidents in that same area. We will present evidence of that fact at the proper time.

Before the filing of this case, I already made public my desire to help Nomar’s children, to help in their education. I wanted to help not because I have a legal obligation to Nomar’s family, but because I cared for a friend I had lost, and I knew that is what my friend would have wanted.

It is unfortunate that Nomar’s widow has chosen to do this; has chosen enmity over friendship. I wonder: If anyone else had been driving, would Lorayne have sued? Because the accident happened more than two months ago, and the case was just filed now.

Let me repeat this: it was an accident, and my family and I will not be pressured or coerced by the filing of this case. We will trust that the justice system will vindicate me in the end.

I would like to take this opportunity to thank my friends and my family for their unconditional and unwavering support. Because I have them behind me, I am able to meet this painful challenge.

* * *

Siguradong naaliw si Tito Douglas Quijano sa ibinigay na party (65th birthday celebration at ika-40 days ng kanyang kamatayan) the other night sa Club Filipino ng mga naulila niyang mga alaga sa pangunguna nina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Anjo and Jomari Yllana, Janice and Gelli de Belen, Wendell Ramos at maraming kaibigan.

Imbes na mag-iyakan, isang masayang celebration ang naganap.

Masarap ang pagkain (lalo na ang chocolate cake) at very 80s ang music at may nag-ala Michael Jackson - Joey, Jomari and Anjo na sumayaw at kumanta-kanta ala-MJ.

* * *

Sana ay totoo ang kasabihan na pag nabalita kang namatay, hahaba ang buhay mo.

Sana mangyari ito kay dating pangulong Cory Aquino. Madagdagan pa ng maraming araw ang buhay niya sa mundo matapos kumalat kahapon sa text messages na namatay na siya.

* * *

Pinapanga-pangarap pala ni Mother Lily na makapareha ni Ogie Alcasid si Judy Ann Santos. Kaya naman abot-langit ang ngiti ng Regal producer nang matupad ang pangarap niya sa  Oh, My Girl!  na anniversary offering ng kanyang movie outfit.

‘‘Kaya nang ibigay sa akin ang script ng movie nila, yes agad ako. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Feeling ko, naka-jackpot ako nang mapagsama ko sila,” sabi ni Mother Lily.

Bilib rin kasi si Mother Lily sa pagiging mahusay na komedyante ni Ogie. Bilib na bilib ito sa kakaibang style ng pagpapatawa niya lalo na kapag nagsusuot pambabae ito. Eh, si Juday naman, magaling din ang timing sa pagpapatawa. 

‘‘I believe na greatest team up of them all itong kina Juday at Ogie. Pareho kasing magaling ang timing nila sa comedy at ito ang movie na masasabi kong picture ng true and genuine friendship. Kahit walang love angle sa script, very touching ang mga eksena nila sa movie,’’ pagmamalaki pa ni Mother Lily.

Show comments