Identified ang sikat na TV host-comedian-producer na si Vic Sotto sa pagiging Kapuso pero pagdating sa pelikula ay walang problema sa kanya kung Kapuso o Kapamilya ka man.
Sa kanyang pinakabagong pelikulang LOL (Love On Line) kung saan niya kapareha sa kauna-unahang pagkakataon ang Thai-British model and Chanel V VJ na si Paula Taylor, napagsama ni Bossing ang mga Kapuso at Kapamilya stars.
Kung sila ni Jose Manalo ay parehong Kapuso, sina Matt Evans at Melissa Ricks naman ay parehong Kapamilya.
Tuwang-tuwa sina Matt at Melissa dahil pinili sila ni Bossing na mapasama sa pelikulang LOL (Love On Line). Sa dinami-dami nga naman ng mga talents hindi lamang ng GMA Artist Center at maging sa ABS-CBN Star Magic, silang dalawa ang napili para mapasama sa napakasayang pelikula na dinirek ni Tony Y. Reyes sa ilalim ng OctoArts Films, M-Zet TV Productions, at APT Entertainment.
“Siyempre, hindi naman lahat nabibigyan ng ganitong kagandang pagkakataon na makatrabaho si Bossing and it was an honor working with him,” ani Melissa na nali-link hindi lamang kina Matt, Rayver Cruz kundi maging kay Jake Cuenca.
Samantala, nagpapasalamat si Vic na pinagbigyan siya ni Paula na kahit isa itong banyaga at walang ni katiting na dugong Pinoy ay napaka-down-to-earth pala. Walang kaarte-arte at walang demands sa set, marunong pang makisama sa mga katrabaho sa pelikula.
Si Paula ang napapabalitang girlfriend ng Australian TV host na si Marc Nelson pero ito’y itinanggi ng model-VJ dahil magkaibigan lamang daw sila ng ka-partner ni Dyan Castillejo sa Sports Unlimited.
Kung nagkataon na walang Pia Guanio si Bossing, tiyak na mali-link ito sa kanyang leading lady. Pero si Vic na mismo ang nagsabi na hindi porke’t maalaga siya sa kanyang kapareha ay dapat nang lagyan ng romantic angle dahil malabo itong mangyari dahil naka-sentro na kay Pia ang kanyang puso.
* * *
Ang Darna ni Marian Rivera ang magiging kapalit ng Zorro ni Richard Gutierrez na magtatapos sa Agosto 7. Sa August 10 naman ang simula ng Darna. Habang papalapit ang pagtatapos ng Zorro ay lalo namang tumitindi ang mga eksena nito kaya hindi ito mabitawan ng mga manonood.
Consistent ang pagiging top-rated program ng Zorro kaya walang alinlangan na si Richard pa rin talaga ang King of Primetime TV dahil lahat ng kanyang mga TV series ay tinangkilik ng publiko.
Hindi pa man nagtatapos ang Zorro ay may bagong project na naghihintay kay Richard, ang Pinoy remake ng Koreanovela TV series na Full House.
* * *
Wala na talagang makapipigil pa sa pagpasok sa showbiz ng ina ni People’s Champ Manny Pacquiao na si Aling Dionisia. Matapos itong gumawa ng dalawang magkasunod na TV commercial kasama si Manny, haharapin naman nito ang paggawa ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema.
Talagang napakasuwerte ni Aling Dionisia dahil nadamay siya sa kasikatan at suwerte ng kanyang anak. Hindi mo ba naman matatawag na masuwerte, Salve A. si Aling Dionisia na makasama sa isang pelikulang ang dating pangulo ng ating bansa na si Joseph ‘Erap’ Estrada, ang comedy concert queen na si AiAi de las Alas at ang heartthrob na si Sam Milby na magsisilbing anak niya sa pelikula?
Hindi pa man gumigiling ang kamera ay mukhang kaabang-abang na ang pelikula dahil bukod sa debut movie ito ni Aling Dionisia ay comeback film project din nito ni Erap.
Kung excited si Aling Dionisia sa bagong development ng kanyang buhay, ganoon din naman si Manny para sa kanyang mahal na ina.
* * *