^

PSN Showbiz

Annabelle Rama at Wilma Galvante pinagsabihan ng korte

-

MANILA, Philippines - Pinagsabihan kahapon ng isang hukom ang talent manager na si Annabelle Rama at GMA-7 Executive Wilma Galvante na mag-usap at ayusin na lang ang kanilang away bago pa man dinggin ang injunction case laban kay Rama.

Sa isang pagdinig kahapon, sinabihan ni Quezon City Regional Trial Court Judge  Lea Regala sina Rama at Galvante na aregluhin na lang nila ang kanilang problema sa labas ng korte.

Naunang kinasuhan ng libelo ni Galvante si Rama dahil sa paninira nito sa kanya pero idinemanda rin ng huli ang una.

Nagbunsod sa away ng dalawa ang usapin kay JC de Vera, isa sa mga artistang alaga ni Rama na nakakontrata sa GMA-7.

Pero sinabi ni Regala na dapat mag-usap na lang ng maayos sina Rama at Galvante o dumaan sa mediation bago pa man umabot sa aktuwal na paglilitis ng korte ang kaso.

Ayon sa abogado ni Rama na si Agnes Maranan, ang mediation ay isang proseso na hinihingi ng korte para maareglo ang isang kaso.

Takdang dinggin muli ang kaso sa Agosto 2. (ADC)

AGNES MARANAN

AGOSTO

ANNABELLE RAMA

AYON

GALVANTE

LEA REGALA

NAGBUNSOD

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE

RAMA

WILMA GALVANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with