MANILA, Philippines - Si Simon (Alfred Vargas), isang baguhang pulis na nagtatrabaho ng part time bilang driver sa colorum o iligal na linya ng FX taxi, ay nakabangga ng tao isang gabi. Para takasan ang nagawang krimen, umalis siya ng syudad at tumawid sa Visayas, kasama ang ginawa niyang hostage, ang 70-year-old na si Pedro (Lou Veloso).
Pero hindi nila akalaing ang paglayo nila ay magiging daan para makilala nila ang iba pang tao na may problema. Makakaalis pa ba sila?
Panoorin ang gala premiere ng Colorum sa direksiyon ni Jon Steffan Ballesteros ngayong gabi (July 23, 9 p.m.) sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa Cultural Center of the Philippines para sa Cinemalaya Cinco independent film festival. Ipapalabas din ang Colorum sa July 24 (3:30 p.m.) sa Bulwagang Alagad ng Sining at July 25 (12:45 p.m., 6:15 p.m.) sa Tanghalang Aurelio Tolentino at Tanghalang Huseng Batute.
Zorro Naka-36.4
“Panalo ulit tayo. Number 1 ang Zorro sa primetime, 36.4 TV rating,” sabi text sa message na natanggap ko.
Painit nang painit daw kasi ang kuwento ng pinagbibidahang programa ni Richard Gutierrez.
Ang sulat na patibong ni Don Rosso upang mahuli ang traydor ay nakita sa gamit ni Bernardo ngunit hindi nila alam ay si Silverio ang naglagay nito. Galit na galit si Don Ross kay Bernardo ngunit ipinagtanggol ni Juana na hindi si Bernardo ang kumuha noon at inamin niya sa lahat na siya ang traydor.
Nakulong si Juana sa ginawang pag-amin na pagta-traydor sa grupo ng caballero. May naghahanap kay Donya Catalina sa Taverna. Nahanap niya ang mag-ina at nalaman niyang namatay na si Don Carlos. Nagulat ito nang malamang naghirap ang kanyang anak na si Catalina. Isinama na ni Donya Francisca ang anak at apo, inalis niya ito sa taverna, nagpaalam na si Lolita sa mga bellas.
Nagkita si Lolita at Antonio, humingi ng tawad si Antonio ngunit hindi na ito pinatawad pa ni Lolita.
Nakatanaw lang si Antonio. Dinala ni Donya Francisca ang anak at apo sa isang sosyal na inn upang magpalipas ng araw habang hindi pa dumarating ang barko patungong Espanya. Nagulat si Lolita sa sinabi ng kanyang abuela na sa espanya na sila maninirahan. At doon magsisimula ng bagong buhay.
Sumugod si Zorro at Cara sa baluarte kung saan may mga batang nagtatrabaho, ngunit mahigpit ang seguridad dito kaya’t nahihirapan pang makipaglaban sila Zorro. Nagtataka na si Nana Maria kung bakit laging wala ang anak na si Juana kaya’t kinausap niya si Don Roberto. Nabigla siya sa sinabi ni Don Roberto na si Juana ay miyembro ng mga caballero at nakakulong ito dahil sa salang pagtataksil sa samahan.