Maraming kalalakihang may gusto sa anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion ang maiinggit sa magandang kapalaran ni Piolo Pascual dahil ang lakas-lakas ng laban nito kay KC.
Parehong boto sa aktor ang mga magulang ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ganundin ang tumatayong ama nito na si Sen. Kiko Pangilinan.
“Walang problema sa akin si Piolo, he’s good for KC,” anang sikat na ina ni KC.
“Basta respetuhin lang niya si KC at ang pamilya nito,” sabi naman ng senador.
Samantala, inamin naman ni KC na lubhang napaka-aga pa para magseryoso siya sa pag-ibig. Kung saka-sakali daw ay mayroon pa siyang limang taon para enjoyin ang kanyang pagiging dalaga, na sinang-ayunan naman ng kanyang ina.
* * *
Sinabi naman ni Pia Guanio, secure siya sa love ni Bossing Vic Sotto. Walang dahilan para siya magselos sa mga naglalabasang balita linking Vic to his leading lady sa pelikulang LOL (Love on Line) na si Paula Taylor.
Binibigyang kulay ang pagiging maasikaso ni Vic kay Paula, tila nakakalimutan nila na ganito naman siya sa lahat ng mga nakakapareha niya. Feeling ni Vic, gusto lamang intrigahin ang tahimik na relasyon nila ng kanyang co-host sa Eat Bulaga.
“Hindi naman siya ang tipo na nagti-take advantage sa kanyang mga nakakapareha. ‘Yung pag-aalaga niya kay Paula Taylor ay dati na niyang ginagawa sa lahat ng nakapareha niya. Wala akong dapat ipag-alala. Baka pa kapag natsismis siya sa hindi niya nakasama o hindi artista,” pagtatang-gol pa ni Pia.
* * *
At 21, hindi kataka-taka kung gustuhin na ni Sarah Geronimo ang maging malaya. Katunayan ang birthday wish niya ay mas para sa sarili niya.
Lahat naman ng babae ay gustong maranasan ‘yung madalaw man lamang ng lalaki sa bahay, ang maligawan. Nagtata-ka nga ako nang sabihin niya na mga 24 or 25 pa siya magpapaligaw. Lubhang matanda na siya para ma-enjoy ang pumili ng manliligaw na gusto niya kung hin-di man maka-MU ay ‘yung pirmihan nang magbibigay sa kanya ng inspirasyon.
Sabi niya naman ngayon, handa na siyang magpaligaw. Buti naman. Dahil kapag mas malayo na ang kanyang nararating, mas mai-intimidate na ang lalaki na ligawan siya, baka hindi na siya makapili ng gusto niya. Magtitiyaga na lamang siya sa kung sino ang dumating. Hindi naman ibig sabihin ng pagiging independent ay pababayaan mo na ang career mo at magi-ging bad girl ka na.