Concert ni Christine Love nasa PBO

MANILA, Philippines - Mapapanood sa Pinoy Box Office (PBO) ang matagumpay na A New Love Concert ng tinaguriang Goddess of Songs na si Christine Love.

Sa espesyal niyang konsiyerto ay naging special guest si Mark Bautista at ang BID Commissioner at magaling na guitarist na si Nonoy Libanan. Nagsilbing front act naman ang child rockstar na si Chenza Chrisable.

Nag-enjoy sa nasabing concert ang mga nanood sa impressive na performance ni Christine sa pangalawang concert niya na ginanap kamakailan. Limang beses nagpalit ng outfit si Christine at stand out ang lahat ng kanyang ginawa.

Pero ang higit na tumatak sa audience ay nang kantahin ni Christine ang Sinner or Saint, Sana’y Wala ng Wakas, What Kind of Fool Am I. Pinalakpakan din ng husto ang singer sa certified hit song niyang Isang Halik Mo Lang, na habang kinakanta niya ito ay ipinapakita naman ang music video nila ni Bruce Quebral sa malaking video wall.

Ang A New Love Concert ay produced ng CRM Voice Box International ni Cecille R. Marcaida.

Show comments