^

PSN Showbiz

Chris Brown nag-sorry

- FOREIGN CHICKA -

MANILA, Philippines - Humingi ng tawad kahapon sa publiko at sa mga tagahanga ang R&B singer na si Chris Brown dahil sa pambubugbog niya sa nobya niyang singer na si Rihanna

Sa ginawa niyang dalawang minutong video, sinabi ni Brown na nagpa­patulong pa rin siya at nais niyang maging role model ang kanyang buhay.

Ipinoste ni Brown ang kanyang video sa sarili niyang website sa Internet at dito sinabi niya na nalulungkot at nahihiya siya sa kanyang ginawa.

Sinabi pa niya sa mga viewer na paulit-ulit na siyang humingi ng tawad kay Rihanna.

Inaresto ng pulisya si Brown noong Pebrero 8 ilang oras makaraang mag-away sila ni Rihanna sa loob ng isang rented sports car pagkatapos ng isang party bago idinaos ang Grammy Awards.

Ayon sa pulisya, ipinagtulakan ni Brown palabas ng kotse ang 21 anyos na Barbados-born singer bago niya ito sinuntok at sinakal.

Pero hindi binanggit ni Brown sa video ang salitang “pambubugbog.” Tinukoy lang niya ito bilang “insidente.” 

Nangako si Brown na magpapa-interview at sasagutin niya ang mga tanong tungkol sa pananakit niya kay Rihanna. (AP)

* * *

Naposte sa website ng Metro ang larawan ng singer at actress na si Jennifer Lopez na umiiyak ha­bang nababasa ng ulan sa New York kahapon. Katatapos lang niyang gawin nang mga oras na iyon ang ilang eksena sa bago niyang pelikulang Back Up Plan.

Sa naturang pelikula, nabuntis si Jennifer sa pamamagitan ng invitro fertilization pero kasabay nito, nakilala niya ang pinapa­nga­rap niyang lalaki. Hindi mabatid kung bakit umiiyak si Lopez ha­bang nagbabasa sa ulan.

vuukle comment

AYON

BACK UP PLAN

BROWN

CHRIS BROWN

GRAMMY AWARDS

JENNIFER LOPEZ

NEW YORK

NIYA

NIYANG

RIHANNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with