Let’s not be too hard on Katrina Halili, whatever is served on the legal table is courtesy of her lawyer, Atty. Raymond Palad, who’s cooking up all this. Dahil nasa panig sila ng prosecution, inilalatag lang nila ang mga rekado with all the legal condiments to achieve a delicious taste.
Unti-unti, nadi-disenchant ako sa halatang pa-pogi points (pero pogi naman talaga siya in fairness) ng “showbiz lawyer” na ito na very open sa kanyang political agenda. Abogado rin kasi siya ng isang nagdadalamhating pamilya, na inihahanap ng hustisya ang sinapit ng pinaslang na biktima in the hands of an allegedly influential, well-off family.
Sa isa niyang kaso, this lawyer represents a moneyed client whose coffers will not seem to run dry laban sa isang personalidad who is only rich in principle. Kabaligtaran naman ito sa kanyang ikalawang kaso kung saan ang kinakatawan niya ay maprinsipyong kliyente laban sa makapangyarihan at mayamang panig.
Lahat tayo’y mahilig kumain. Warning: Hindi lahat ng pagkaing maganda sa paningin, masarap kung lasapin.
* * *
Nagbitiw na pala bilang head ng Star Magic si Ms. Rikka Dylim as she’s now connected with Shangri-La, partikular sa PR department nito.
Maituturing na “misnomer” ang pangalan ni Rikka, dahil maaliwalas ang kanyang pakikitungo sa press.
Come July 28, on terminal leave naman si Ms. Lorie Dionisio-Piravalasamy as she’s joining her Malaysian husband sa bansa nito.
Ilan lang sina Lorie at Rikka ang mami-miss ko sa ABS-CBN who are genuinely friendly. Channel 2’s loss is a far more beautiful world’s gain.
* * *
Mala-surveillance ang ginawa ng Startalk kay dating Manila City Councilor Cita Astals na kelan lang ay napabalitang “depressed” (I couldn’t think of a milder term), bunsod daw ito ng kanyang pagka-lost nung eleksyon.
After some painstaking research, sa wakas ay natunton ng aming Startalk staff ang bahay ni Cita, sa Pasig Line ’yon sa Sta. Ana, a two-storey house na maayos naman. Matagal-tagal daw bago lumabas ng gate si Cita para estimahin ang crew, nagyoyosi pa nga raw ito. Nang tanungin daw kung na-depress siya dahil natalo, pasigaw na pabulong na ewan na sagot ni Cita: “Do I look depressed?”
Tila sinisisi ni Cita ang mga umano’y tsismosa niyang kapitbahay sa pagkakalat ng tsismis. Passing the buck???