Vilma sa Batangas na lang uli tatakbo
May kauna-unahang lalaki na makakasama ang Sexbomb. Siya si Julian Trono na mapapanood sa bagong episode ng Daisy Siete na Chacha Muchacha na nagsimula kahapon. Ang ate ng Sexbomb na si Rochelle Pangilinan ang bida sa bagong serye.
Hindi na lamang mga kalalakihan ang target ng grupo ngayon na minamaneho ni Joy Cancio, pati mga babae na rin. Bakit ngayon lamang niya naisip na magdagdag sa grupo ng male dancers? Sana kasing sikat na rin sila ng Sexbomb ngayon. Pero, better late than never. Mahaba pa ang panahon, who knows bukas-makalawa, pagiging Sexbomb men naman ang pangarapin ng lahat ng kabataang lalaki ngayon.
* * *
Malamang mauwi na sa totohanan ang reel romance nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na pumunta pa ng Bohol para sa kanilang video shoot.
Kung sabagay, mukha namang bumibigay na ang mgka-loveteam, sa rami ba naman ng kanilang mga love at kissing scenes hindi lamang sa kanilang TV series kundi maging sa ginagawa nilang movie sa Regal Films, bato na lamang sila kung hindi sila tatablan. Sana lang ay matuto silang alagaan ang kanilang tandem para magtagal pa sila sa industriya. Kapag nasira ay madadamay din ang kanilang career, kaya hinay-hinay lang mga bata.
* * *
Buti naman at nabalitaan kong ’di na tatakbo para sa bise presidente si Gobernador Vilma Santos sa 2010. Magre-reeleksyon na lamang daw ito sa hawak niyang posisyon ngayon. Salamat naman dahil mas marami siyang matutulungan bilang gobernador.
Kapag naging bise presidente siya ay palaging nasa likod na lamang siya ng kung sinuman ang magiging pangulo, tatrabaho lamang siya sa mga iaatas nito sa kanya. Sa Batangas, may say siya, may sariling desisyon at ’di aasa pa sa iba.
* * *
Okay naman pala hindi lang kay Sharon Cuneta kundi maging kay Gabby Concepcion si Piolo Pascual para sa anak nilang si KC. Bakit nga naman hindi, successful si PJ (Piolo), kinikilala sa mundong kanyang ginagalawan, very much eligible naman, kaya may ama pa bang tututol na ligawan ang anak niya?
Anyway, bago pa naman ang umuusbong na friendship ng dalawa para bigyan agad ng konklusyon na sila na nga, mahaba pa ang panahon for them to get to know each other better. Maaari pa ring magbago ang feelings nila sa isa’t isa. Pwedeng ma-in love sila sa isa’t isa at pwede rin namang matanto nila na friendship lang talaga ang nagbubuklod sa kanila.
Let’s give them the chance to find this out for themselves.
- Latest