Cristine hindi na magpapa-interbyu

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Mommy Rosalinda Martinez, ang ina ni Maricel So­riano. Hin­di ko pa alam ang kumpletong de­talye ng kan­yang pagkamatay pero nakaburol siya sa Heritage Park sa Taguig City.

Huli kaming nagkita ni Mommy Linda sa burol ni Rudy Fernandez noong isang taon at nga­yon, doon din siya pinaglalamayan.

“Mommy Linda Carter” ang tawag sa show­biz kay Mommy Linda dahil pareho sila ng pa­ngalan ng Hollywood actress na si Linda Carter, ang sikat na Wonder Woman.

Si Maricel ang nagbinyag ng Linda Carter kay Mommy Linda dahil sikat na sikat noon si Linda Carter.

Nagkasama kami noon ni Mommy Linda sa Amerika dahil sa shooting ng Pepe En Pilar na pinagbidahan nina Maricel at Gabby Con­cepcion. Mabait at masayang kasama si Mommy Linda. Hindi siya katulad ng ibang showbiz mothers na OA ang pagiging stage mother.

Nakikiramay uli ako at ang PSN staff sa mga naulila ni Mommy Linda.

* * *

Nagdesisyon na pala si Cristine Reyes na hindi na siya magsasalita tungkol sa mga isyu na kinasasangkutan niya.

Last na raw ang pagsasalita niya noon sa event ng FHM mag dahil hindi naman niya pu­wedeng takasan ang mga reporters na pu­malibot sa kanya.

Agree ako sa desisyon ni Cristine. Tama lang na huwag na siyang magpainterbyu dahil lalo lamang hahaba ang isyu at pasisikatin pa niya ang kanyang mga enemy. Enemy daw o!

* * *

Hindi na maabot si Mommy Dionisia Pac­quiao huh! Sabay-sabay ang airing ng kanyang TV commercial.

Made na talaga ang madir ni Manny Pac­quiao. Kumikita na rin siya ng datung ng walang kahirap-hirap kaya mas type niya ang mga TV commercials kesa maging artista.

May mga kumukumbinsi kay Mommy Dio­nisia na pasukin ang pulitika pero ayaw niya. Hindi linya ni Mommy Dionisia ang pulitika dahil simpleng pamumuhay ang kanyang gusto. Sa edad ni Mommy Dionisia, tama lang na mag-relax siya. Bakit siya papasok sa isang mundo na wala siyang alam at siguradong maka­kaa­bala lang sa kanyang ballroom dancing?

* * *

Ang ganda ng ginawa kahapon ng Eat Bulaga. Pinagsama-sama nila ang mga past winners na nanalo ng mga milyun-milyong piso sa iba’t ibang game segment ng noontime variety show.

Hindi nasayang ang mga milyones na napa­nalunan ng mga winners dahil gumanda ang takbo ng kanilang mga buhay. Ginamit nila sa ma­ayos na paraan ang pera kaya lalong umun­lad ang kanilang pamumuhay.

* * *

Thirty years na pala ang Eat Bulaga at ito pa rin ang number one show sa bansa.

Talagang ang Eat Bulaga na ang longest-running noontime variety show at never na itong mapapantayan ng ibang mga noontime shows. Correct na correct ang sinabi ni Papa Joey de Leon na hangga’t may mga bata, may Eat Bulaga!

Show comments