Gladys 'di malimutan si Imelda Marcos
Gladys Reyes may live ten more lifetimes, pero hinding-hindi pa rin niya makakalimutan na sa kasaysayan ng kanyang pagiging TV host ay minsan siyang binigyan ng pagkakataon at tiwala na makapanayam si dating Unang Ginang Imelda Marcos.
“Kuya Ron, sino ba naman ako as a host para pumayag si Madame na ma-interview ko siya?” bungad ni Gladys sa kanyang text message, referring to her mom-oriented show on Net 25, ang Moments. Magkahalong tuwa at kaba raw ang lumukob kay Gladys topped with disbelief kung carry nga ba niyang hawakan ang kanyang subject, one of the country’s most controversial women then and now.
In Glady’s case, wala siya ‘yung dunung-dunungan school of hosting, kaya’t naglambing pa siya sa akin ng ilang mga tanong. While I texted her a couple of question, iwasan na lang ni Gladys ang politically flavored ones: the lighter, the better; the more casual, the more interesting.
Dumating na nga ang araw ng kanilang pagkikita. Pinag-snacks daw sila ng dating First Lady sa kanyang 22-seater long table kasama ang staff and crew ng programa. “Marami akong words of wisdom na natutunan sa kanya,” pagmamalaki ni Gladys, ending her text message with, “It was a wonderful experience!”
* * *
Animo’y galing sa horseback riding si Crystalle Henares nu’ng sumipot siya sa set ng pelikulang Kimmy Dora sa isang resort sa Antipolo nitong kasagsagan ng bagyong Isang. Mala-equestrienne ang dating ng anak ni Dra. Vicki Belo na may cameo appearance sa nasabing Eugene Domingo solo movie, just like Rufa Mae Quinto, Vhong Navarro, Christian Bautista, Erik Santos, etc. na naglaan ng isang araw for the shoot.
Little did I know na ikatlong movie na pala ‘yon ni Crystalle, puro mga bit roles ang kanyang ginagampanan. The irony of it all, kuya niya si direk Quark Henares, pero sa latest project nito’y tinable siya ng kapatid!
Halatang umiiwas si Crystalle sa mga tanong bordering on her mom’s case against Katrina Halili. Pero playing safe niyang sagot sa tanong if she’s supportive of her mom’s personal life, sey niya: “Ever since, clear sa amin that she has days allotted for us, kaya I don’t demand her time if hindi ‘yon ang araw ng bonding namin. But as much as possible, we make our bonding moments truly special. Basta ako, whatever makes her happy.”
Taliwas ‘yon sa inaasahan kong sagot ni Crystalle. Violent reaction kasi ang nasa mindset ko with her consistent disapproval of her mom’s romantic liaison with Hayden Kho.
Lalo namang in stark contrast ‘yong sa di-natitinag na posisyon ni Lolit Solis who’s very fiercely open about Vicki Belo’s excessive kagagahan over her unfaithful man. But while ‘Nay Lolit wants Hayden to suffer the consequences of his actions, ayaw naman daw niyang makitang nasa kalaboso ito.
“Naku, baka sumama pa si Vicki sa kulungan sa pagmamahal niya kay Hayden, ‘no!” patawa pero posibleng mangyaring deklara ni ‘Nay Lolit.
- Latest