Regine ayaw ng magarbong kasal

Sa presscon ng OMG (Oh My Girl) ay naitanong namin kay Judy Ann Santos kung ano ang kaka­ibang ugali ni Ryan Agoncillo ngayong magkasama na sila bilang mag-asawa.

‘‘Enjoy ako sa aking buhay ngayon — mas relaxed. Wala naman akong ugaling kinaiinisan kay Ryan dahil ma­bait siya. Nagbibigayan kami. Yun nga lang ma­hirap siyang gisingin,’’ aniya.

Sa OMG, sari-saring kalokohan at katatawanan ang ipinamalas ni Juday at ang co-actor na si Ogie Alcasid, na natural na natural lumabas ang kanilang kabulastugan sa movie.

Ang OMG ay kuwento ng magkaibigang nagkahiwalay ng landas noong bata pa sila. Lihim na may pagtingin ang lalaki sa kababata kaya lang hindi nito maipahiwatig ang damdamin, kaya nang muling magkita, nagdamit-babae at nag-apply na yaya sa babaeng kababata.

***

Kung maganda ang pagsasama nina Ryan at Juday, inamin naman ni Ogie na perfect para sa kanya si Regine Velasquez dahil hindi pa sila nag-aaway.

Pina-block off na ni Regine ang schedule nito sa November dahil pupunta sila ni Ogie sa Australia para sa kasal ng ex-wife nitong si Michelle Van Eimereen at si Mark Murrow.

Nang tanungin kung susunod na ba silang ikakasal ni Ogie ay sinabi nitong ayaw niyang i-pressure ang nobyo. Kung puwede na silang magpakasal, ayaw ng Asia’s Songbird ng bonggang wedding.

***

Malaki ang naitulong ni Daniel Razon para maisakatuparan ng Movie Writers Welfare Foundation (MWFF) ang pangarap na magkaroon ng sariling opisina. Kaya naman sa July 21 ay magkakaroon na ang mga miyembro at opisyales ng ribbon-cutting at inagurasyon ng opisina.

Kabilang sa mga magka-cut ng ribbon sina Wilson Tieng, Kuya German Moreno, Angel Locsin, at sana ay pumayag si Mrs. Guia Gomez. May mga bisita ring celebrities at mga kaibigang press people.

Nagsimula ang foundation noong 1998 at iri-reactivate ng bagong pamunuan ngayon in coordination with Kuya Daniel sa pagbibigay ng medical card sa mga miyembro ng PMPC, ENPRESS, MOPAP, at iba pang mga entertainment writers. Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng libreng pagpapa-check up at gamot ang mga kapatid sa hanapbuhay.

Sisikapin ng foundation na magkaroon ng medical profile ang mga taga-media. Malaki ang naitulong nina Wilson Tieng at Senador Jinggoy Estrada para maitatag ng grupo ang Movie Writers Welfare Foundation na naglalayong makatulong sa entertainment press pagdating sa kanilang kalagayang-pangkalusugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng medical at dental services.

Ang bagong pamunuan ngayon ng MWWF ay ang inyong lingkod (president), Raymond Vargas (vice president), Ed de Leon (secretary), Dennis Aguilar (treasurer), at Rino Fernan Silverio/Gerry Ocampo (auditors). Ang mga miyembro ay sina Veronica Samio, Letty Celi, Erlinda Rapadas, Virgie Balatico, Pilar Mateo at Irene Diaz Castillo.

Show comments