Alalahanin ang karma.
Sino ba naman itong publicist ng kabilang istasyon na hindi lamang naninira ng palabas ng Siete, parang gusto pang pag-away-awayin ang mga Kapuso dahil pinalalabas na may mga naghuhudas na taga-loob para lamang siya bigyan ng mga impormasyon?
Huwag naman ganyan. Puwede mong gawan ng publisidad ang kumpanyang nagpapasuweldo sa iyo pero not at the expense of others. Lumilihis ka na sa kagandahang asal niyan. Okay na siraan mo ang GMA, kung ‘yun ang istilo ng trabaho mo, pero huwag kang magdamay ng mga taong inilalagay mo sa alanganin ang trabaho.
Mag-concentrate ka na lang sa pagtira sa mga sinasabi mong hindi magaganda at flop na palabas ng kalaban n’yo dahil in the final run, ang manonood ang magdedesisyon kung ano ang magandang palabas sa kanila at kung ano ang panonoorin nila.
Maging propesyonal ka sa iyong trabaho at hindi palaging personal ang pinaiiral mo. Alalahanin mong may karma.
***
I’m sure magbubunga ng maganda ang trial combination nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid sa Oh My Girl (OMG) ng Regal Films. Trailer pa lamang, nakakatawa na. Akala ko nga ang istorya ay lifted sa mga pelikulang Mrs. Doubtfire at Tootsie, pero pagdadamit babae lamang ang pagkakahawig ng role ni Ogie sa mga nabanggit na karakter na mga popular na American movies. Ibang-iba ang istorya ng OMG, tungkol sa childhood friends na pinaghiwalay ng kapalaran at nagkita pagkaraan ng maraming taon.
Hit pa rin si Ogie sa kanyang role na babae, hindi binabae. Talaga yatang kinakarir na niya ang paggganap sa role ng isang babae.
Baka naman masanay ka na niyan, Ogie at hindi ka na makakawala pa sa kahon. Tingnan mo nga si Roderick Paulate, hanggang ngayon in demand pa rin sa ganitong role. Buti na lang na-establish na niya ang sarili niya bilang isang mahusay na aktor. Nakakaganap siya sa mga non-gay roles. Sana ganito rin ang mangyari kalaunan kay Ogie.
***
Akalain mo, ang tagal nang wala sa Pilipinas ni Bella Flores pero, marami pa rin ang naghahanap sa kanya. Dahil sa husay niyang artista, marami pa rin ang gustong bigyan siya ng trabaho. Wala na rito sa ‘Pinas ang mahusay na kontrabida. Nasa US na ito, kinuha ng kanyang nag-iisang anak para magkasama na sila run.
Naisip siguro nito na matagal nang nagtatrabaho rito ang ina kaya pinapunta na sa US para naman makapagpahinga at ma-enjoy ang mga pinaghirapan niya. Maganda ang estado sa US ng anak ni Bella at ng pamilya nito. Masusuportahan siya nito pero, ‘di kaya ma-miss ni Bella ang paggawa ng pelikula? I’m sure babalik-balik siya para magbakasyon at makita ang mga dati niyang kaibigan.
- Latest